Barangay Agos-Agos

Population: 
2,561
Land Area in Hectares: 
320
Household Size: 
515
Getting here: 
Agos-Agos is 4 to 5 km from the town proper. It is accessible through tricycle plying the route no. 10. Other light vehicles could also pass and access the said barangay.
Chairman: 
Marquez, Lemuel Coronacion
Councilors: 
1. Ibañez, Angelique
2. Supremo, Maggie Vargas
3. Astoveza, Prescila Tena
4. Orozco, Evelyn Pasco
5. Buendicho, Felix
6. Villaflor, Daniel Orozco
7. Borreo, Norvie Dejoras
History: 

Noong unang panahon, kakaunti pa lamang and naninirahan sa maliit na pook na ito. Naging kapansin-pansin ang dalawang malalaking Ilog dito, Ang isa ay nasa gawing Hilaga at ang isa naman ay nasa gawing Timog. Naging magandang tanawin ito dahil nakapagitan ang dalawang ilog na ito isang mataas na lupain na may lawak na humigit kumulang sa 20 hektarya.
May natagpuan pa ring maliliit na sapa dito na dinadaluyan ng malinaw at malinis na tubig hanggang sa ngayon.

Sa katunayan ay may naiwan pang bakas ng kahapon ang dalawang ilog na ito. Ito ay ang tinatawg na Kuwago Creek na matatagpuan sa bandang Hilaga at ang Putatan Creek na matatagpuan naman sa bandang Timog. Humahantong naman ang mga ilog na ito sa Bantilan River na matatagpuan sa bayan ng Infanta.

Mula noon ang bayan na ito ay tinawag na Agos-Agos sa dahilang ito ay may malaking Agos o ilog na kinagigilian ng mga taong dumaraan dito.
Sa ngayon, ito ay kilala at tinaguriang Agos-Agos.

Subalit nang dahil sa mapanlikhang tao ay naglaho ang dalawang malaking Ilog Agos na ito. Dahilan sa pinagtulung-tulungan ng mga tao na baguhin ang direksyon ng tubig.

Sa kasalukuyan ang Agos ng tubig dito ay matatagpuan na lamang sa pagitan ng bayan ng Infanta at ng bayan ng Heneral Nakar at ito ay nakilala na sa tawag na Agos river.

Sa ngayon, ang dalawang Ilog Agos na ito ay ginawa na lamang palayan na siyang pinagkukunan ng ikinabubuhay ng mga naninirahan dito sa barangay Agos-Agos.