Barangay Alitas

Population: 
1,177
Land Area in Hectares: 
560
Household Size: 
252
Getting here: 
Alitas is 7 to 9 km from the town proper. It is accessible through tricycle plying the route no. 07. Other light vehicles could also pass and access the said barangay.
Chairman: 
Laviña, Nilo Atentar
Councilors: 
1. Coronacion, Lea Evardome
2. Bernabe, Maria Riza Santiago
3. Cabungcal, Rosenie Huplo
4. Astoveza, Leonard Pujalte
5. Coronacion, Teotima Madraga
6. Pujalte, Zoilo Huplo
7. Buerano, Jhoel Revellame
History: 

Ang Alamat ng Barangay

Noong unang panahon ang nayon ng Alitas ay wala pang pangalan. Wala pa ring kalsada dito at ang tanging dinadaanan ay putikan at tubigan. Minsan, isang grupo ng kalalakihan ang dumayo sa isang kasalan.

Nang panahong iyon ang damit ng mga kababaihan ay mahahaba at dahil ang daan ay matubig at maputik, kinakailangan nilang itaas ang kanilang mga saya upang hindi ito mabasa at maputikan. Minsan, habang ang mga kababaihan ay naglalakad sa putikan, may napansin sa kanilang grupo na mga kalalakihan at nakitang nababasa ang damit ng naglalakad na mga kababaihan kaya´t sumigaw sila ng "Ali, itaas taas mo pa."

Sa ´di sinasadyang pangyayari ay may isang dayuhang nagtatanong kung ano ang pangalan ng lugar na ito. Subalit hindi siya pinapansin ng pinagtatanungan manapay patuloy lamang ang kanilang sigaw ng "Ali, itaas taas mo pa" sa mga kababaihang patuloy na nababasa ang damit. Sa pag-aakala naman ng dayuhan na siya ang sinasagot ng mga binata inakala niyang "Ali taas taas" ang pangalan ng lugar na kanyang kinaroroonan.

Dahil sa pangyayaring iyon ang pook na ito ay tinawag na Alitas mula sa salitang "Ali, itaas taas mo pa".