Barangay Comon

Population: 
3,398
Land Area in Hectares: 
139
Household Size: 
687
Getting here: 
Comon is 1 to 2 km from the town proper. It is accessible through tricycle plying the route no. 10. Other light vehicles could also pass and access the said barangay.
Chairman: 
Delos Reyes, Eligio Ruidera
Councilors: 
1. Mercado, Basilio Sanchez
2. Sollano, Wilma Florante
3. Portillo, Ireneo Aumentado
4. Polo, Adelaida Amargo
5. Adornado, Abelardo Villaueva
6. Torres, Dondon Sanchez
7. Labajo, Fely Serafines
History: 

Noong unang panahon, ang bayan ng Infanta ay tinatawag na bayan ng Malaya, hanggang sa dumating ang kapanahunan ni Nunong Karugtong, ito ay binago ang pangalan. Buhat sa Malaya ginawa itong Binangonan del Ampon. Nang dumating naman ang mga Kastila, muli ay pinalitan ang pangalan nito ang Binangonan del Ampon ay naging Infanta sa karangalan ng Infant Jesus.

Sa panahong ito ng mga Kastila, dito napasimula ang Barangay Comon. Ito ay dating isang magubat na lugar sa pagitan ng dalawang ilog, ang Balucanag at Kuwago ang mga pangalang itinawag sa lugar na ito. Minsan ay tinawag din itong Tayabas, subalit nang dumating ang mga kastila ay naiba ang pagkakilala at pagtawag dito.

Sapagkat ang lugar na ito ang kagubatang malapit sa kabayanan kaya´t dito pinatatapon ng mga kastila ang kanilang alipin ang kanilang mga basura at dumi, kung saan sa kanilang lenguwahe, ang tapunan ng basura at dumi ay tinatawag nilang comon. Kaya´t sa tuwinang sila ay nagpapatapon sinasabi nilang itapon sa comon.

Tumagal ang panahon at sa pagsalin-salin, ay naging kilala na ang lugar na ito sa tawag na Barangay Comon. Kaya noong panahon ni Takoko at ni Ginoong Enriquez na isang Kastila, taong 1911, pormal na ipinahayag na ang lugar na ito ay tawaging Barangay Comon.

Tags: