Barangay Magsaysay

Population: 
3,035
Land Area in Hectares: 
22, 335.0412
Household Size: 
615
Getting here: 
Magsaysay is 5 to 10 km from the town proper. It is accessible through tricycle plying the route no. 11. Other light vehicles could also pass and access the said barangay.
Chairman: 
Crisostomo, Ulpiano Jr. Miras
Councilors: 
1. Aumentado, Violeta Albay
2. Eranista, Senando Sr. Sabiduria
3. Bautista, Willy Francisco
4. De La Cruz, Albert Dela Rosa
5. Miras, Marcial Ruidera
6. Monton, Jenny Prudente
7. Aumentado, Eduardo Rivera
History: 

Noon ay kinikilala ang barangay Gumian na pinakamahabang barangay sa bayan ng Infanta. Kinilala naman ang barangay Magsaysay sa pangalang Sitio Pudakan dahilan sa maraming pudak sa lugar na ito na dating nasasakop ng barangay Gumian.

Karamihan sa opisyal ng barangay ay naninirahan sa Sitio Pudakan. Dahil dito, minarapat nilang magpasa ng isang resolusyon sa Barangay upang gawain ng isang barangay ang nasabing Sitio.

Karamihan sa mamamayang nakatira sa sitiong ito ay mga magsasaka. Kanilang iniidolo ang dating Pangulo ng Pilipinas na si Ramon Magsaysay. Hinahangaan nila ang pangulo dahil sa pakikipag-usap niya sa HukBalahap upang makipagkasundo na sa gobyerno. Sinasabi rin nila na ang Pangulo ay Man of the Masses (Pangulo ng Masa) kung kaya´t napagkaisahan nila ang ibigay na pangalan sa bagong barangay ay Magsaysay susog sa pangalan ng dating Pangulo.

Ang resulosyon nag awing isang barangay ang Sitio Pudakan ay inarubahan ng Sangguniang Bayan sa tulong ng dating Konsehal Wendell Purpura. Nagkabisa ito noong 1972.

Magmula noon ang Sitio Pudakan ay nagging ganap ng Barangay Magsaysay.

Tags: