Municipal Advisory Committee (MAC) Meeting

Setyembre 22, 2023

Pinangunahan ni Punong Bayan Filipina Grace R. America ang isang pagpupulong kasama ang mga miyembro ng Municipal Advisory Committee (MAC) ngayong araw.

Mula sa iba't-ibang ahensya ng pamahalaan ang dumalo sa pulong na ito tulad ng Department of Education (DepEd), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), at mga tanggapan ng Lokal na Pamahalaan.
Tinalakay dito ang mga sumusunod na paksa:

-Update sa Sustainable Livelihood Program (SLP)
-Pag talakay sa 2,171 aktibong miyembro ng 4P's
-Search for Exemplary Child
-Specific Implementation Agreement (SIA) Signing para sa mga miyembro ng 4P's
-Pag talakay at ng mga aktibidad para sa 4th Quarter ng taong ito 10 buwan bago matapos ang School Year.

Tiniyak din ng Lokal na Pamahalaan na lahat ng konsernadong tanggapan at ahensya ay dapat matugunan ang mga hinaing at usapin patungkol sa mga programa ng MAC.

#MabuhayKaInfanta
#LGUInfantainAction
#ForGReAterInfanta

Tags: