10 Katangian ng Infantahin

Noong ika-27 ng Setyembre, 2018, tinukoy ang sampung (10) katangian na isinulong ng Lokal na Pamahalaan ng Infanta sa ilalim ng Municipal Ordinance No. 01 s. 2017 o Character Ordinance. Ang nasabing ordinansa ay naglalayon na panatilihing buhay ang kultura at magagandang asal sa bayan ng Infanta sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga kabataan at pagpapaala-ala naman sa mga nakatatanda ng mga katangian na dapat taglayin ng isang Infantahin kabilang ang mga sumusunod:
1. Maka-Diyos
2 Makabayan
3. Makakalikasan
4. Matapat
5. Malusog
6. Masipag
7. Magalang
8. Matigal
9. Mauwido
10. Madunong

Tags: