Agroforestry Support Program for Enhancing Resiliency of Community-based Forest Management Areas

Bilang mahalagang bahagi sa pagsusulong at pagtatatag ng resilient at sustenableng komunidad, ang Pamahalaang Bayan ng Infanta sa pangunguna ni Mayor Filipina Grace R. America ay malugod na tinanggap at sinuportahan ang programang Agroforestry Support Program for Enhancing Resiliency of Community-based Forest Management Areas (ASPIRE-CBFM).
Ang ASPIRE CBFM ay ipatutupad sa loob ng tatlong (3) taon; 2019-2021, sa pagtutuwangan ng University of the Philippines Los Baňos - Institute of Agroforestry, Department of Environment and Natural Resources - Ecosystems Research and Development Bureau, Department of Science and Technology- CALABARZON, DENR-PENRO, CENRO, mga Pamahalaang Lokal at Peoples Organizations.
May apat lamang na project sites sa buong CALABARZON at isa sa mapalad na napili ang CBFM Site sa Barangay Binonoan, Infanta, Quezon na ang benepisyaryo ay ang Binonoan Producers Cooperative.
Sa isinagawang oryentasyon hinggil dito ngayong ika-29 ng Agosto, 2019 na ginanap sa Bulwagang Pulungan ng Pamahalaang Bayan ng Infanta, sinabi ni Mayor America na isang biyaya na sa ikatlong pagkakataon ay muling naging over-all Champion sa Niyugyugan Festival ang bayan ng Infanta, at muli’y isa na namang biyaya ang dumating sa bayang ito, ang ASPIRE-CBFM.
Hinikayat din niya ang mga panauhin mula sa mga nabanggit na ahensiya ng pamahalaan na bumili at tikman ang ipinagmamalaking Suman sa Gata ng Infanta, gayundin ang iba’t ibang uri ng lamang dagat at lamang pakat.

Tags: