APELA SA PUBLIKO

Nananawagan po ang Lokal na Pamahalaan ng Infanta sa mga konsernadong mamamayan na nakakita sa naganap na pamamaril sa ating Punong Bayan Filipina Grace R. America na kayo ay makipagtulungan sa ating kapulisan upang mas mabilis na madakip at mapanagot sa batas ang may kagagawan ng krimeng ito.
Mangyari pong makipag-ugnayan sa Infanta MPS sa mga numerong 09985985754/ (042) 535-3642 o sa Tanggapan ng Punong Bayan sa mga numerong (042) 535-4248.
Sinisiguro po ng ating kapulisan na mananatiling confidential ang inyong mga impormasyon at kayo ay bibigyan ng karampatang proteksyon.
Maraming salamat po.

Tags: