COORDINATION MEETING KAUGNAY NG AGOS RIVER DREDGING PLAN, MULING ISINAGAWA SA PAGITAN NG DPWH-BUREAU OF EQUIPMENT AT NG MGA BAYAN NG INFANTA AT GENERAL NAKAR

Setyembre 15, 2022
Ang LGU Infanta Agos River Dredging Plan Technical Working Group sa atas ni Punong Bayan Filipina Grace R. America ay muling dumalo sa Coordination Meeting sa pagitan ng Department of Public Works and Highways - Bureau of Equipment (DPWH-BOE) at ng mga Lokal na Pamahalaan ng Infanta at General Nakar kaugnay ng isinasagawang dredging activities sa Ilog Agos. Ang pulong na pinangunahan ni Engr. Toribio Noel Ilao, Director ng DPWH-BOE ay ginanap sa Dredging Staff House ng LGU General Nakar.
Tinalakay sa nasabing pulong ang mga updates sa ginagawang dredging activities sa bahagi ng Sabangan area. Bukod pa rito ay ipinahayag din ni Dr. Ilao ang mga susunod na hakbang ng DPWH Dredging team upang masimulan na ang dredging activity sa bahagi ng Pilaway-Ilog Agos River Section (Siko ng General Nakar). Aniya, kasabay ng pagpapababaw at pag-aalis ng accretion sa Sabangan ay kinakailangan narin masimulan ang dredging activity sa bahagi ng siko ng Agos River ng sa gayon ay matiyak na magiging mas maayos ang daloy ng tubig sa oras na magkaroon ng mga pag-ulan lalo na sa mga susunod na buwan.
Bukod pa rito, kanyang binanggit na ang pagtutulungan ng dalawang bayan sa proyektong ito ay magbubunga ng mas mabilis na pagsasagawa ng proyekto. Kaniya ring iminungkahi na ang mga makukuha sa dredging activity ay maaaring ilagay ng Infanta at General sa kani-kanilang mga Flood Control Dikes upang maging dagdag na depensa sa oras ng mga pagbaha.
Binanggit din ni Director Ilao ang kanilang planong pagbisita sa Pinaglapatan-Boboin Rivermouth Area/Sabangan na nagsisilbing natural na labasan ng bah amula sa poblacion areas at maging ng mga DPWH drainage canals. Ito ay isa narin sa mga pinag-aaralan ng kanilang Team upang maisama sa dredging plan ng ahensya.
Inaasahan na malaki ang magiging kontribusyon ng isinasagawang dredging activity upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan at kanilang mga ari-arian sa mga panahon ng tag-ulan at tag-baha.
#MabuhayKaInfanta
#ForGReAterInfanta

Tags: