EXIT CALL WITH OUTGOING INFANTA MLGOO RAYA T. RUBLICO AND COURTESY VISIT WITH INCOMING MLGOO ANN MAUREEN D. GUMBOC

Agosto 18, 2022
Ngayong araw ay nagsagawa ng Exit Call si outgoing Infanta Mun. Local Government Operations Officer (MLGOO) Raya T. Rublico sa Home Office ni Mayor Filipina Grace R. America. Kaugnay ito ng ibinabang direktiba mula sa DILG ng kanyang paglipat sa ibang bayan sa probinsya ng Quezon. Kasama niya sa ginanap na exit conference ang bagong itatalagang MLGOO na si Bb. Ann Maureen D. Gumboc.
Lubos ang pasasalamat ng ating Punong Bayan sa napakalaking kontribusyon ni MLGOO Rublico sa pagtalima ng ating bayan sa mga direktiba mula sa DILG at iba pang regulating bodies na nagsusulong ng pag-unlad at pagpapanatili ng katahimikan, kaayusan, at kaligtasan sa ating bayan lalo't higit sa panahon ngayon ng pandemya.
Hangad namin ang iyong maayos na kalalagayan sa iyong magiging bagong destinasyon at ang iyong maayos na kalusugan upang patuloy kang makapaglingkod sa mga mamamayan, Ma'am Raya.
Mabuhay ka po at maraming salamat sa iyong serbisyo sa bayan ng Infanta.
Samantala, ang Lokal na Pamahalaan ng Infanta ay nangangako ng suporta at pakikiisa kay MLGOO Maureen sa mga kinakailangang ipatupad at isagawa alinsunod sa mga direktiba ng pamahalaang nasyonal.