EXIT CONFERENCE KASAMA ANG DPWH-BOE SURVEY TEAM

Oktubre 25, 2022

Sa pamamagitan ng Zoom application ay nagkaroon ng Exit Conference sa pagitan ng Department of Public Works and Highways - Bureau of Equipment (DPWH-BOE) at ilang miyembro ng LGU Infanta Agos River Dredging Team kaugnay ng Agos & Bantilan River Field Survey na isinasagawa ng BOE Team.

Iniulat ni Engr. Van Joe Angeles ang mga updates sa kanilang isinasagawang topographic at bathymetric survey sa Ilog Agos at Bantilan. Ang gawaing ito ay kailangan upang ang mga datos ay maisama sa finafinalize na dredging plan ng DPWH-BOE para sa Agos River. Kanya ding idinagdag ang iba pang mga impormasyon at aksyon na kinakailangang isagawa ng kanilang tanggapan at ng lokal na pamahalaan ng Infanta sa patuloy na implementasyon ng nasabing proyekto.
Inaasahan na malaki ang magiging magandang epekto ng dredging project para maiwasan ang mga pagbaha sa ating bayan kapag may mga malalakas na pag-ulan o masamang panahon.

#LGUInfantainAction
#MabuhayKaInfanta
#AgosRiverDredgingProject

Tags: