LIVELIHOOD ASSISTANCE GRANTS(LAG) IPINAMAHAGI NG DSWD SA MGA KWALIPIKADONG INFANTAHIN

OKTUBRE 25, 2022

Sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office ay kasalukuyang namamahagi ng Livelihood Assistance Grants (LAG) si G. Melantie C. Aceveda, Regional Program Coordinator, sa 250 na benepisyaryong Infantahin.

Makakatanggap ang mga nasabing kwalipikadong benepisyaryo ng sampung libong piso (10,000). Ang programang ito ay naglalayon na maitaas ang pamumuhay ng ating mga kababayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaonting puhunang pangkabuhayan.
Sa nasabing programa ay nagbigay ng mensahe sa pamamagitan ng isang recorded video ating Punong Bayan upang magpasalamat sa ating Gobyerno sa hatid na tulong sa ating mga kababayan. Nagbigay din ng maiksi ngunit makabuluhang mensahe si Kon. Anlo Cuento na siyang Chairperson ng SB Committee on Children, Women and Family/GAD.

Dumalo rin sa aktibidad na ito ang ilang mga representante mula sa opisina ni Sen. Bong Go na namahagi din ng mga raffle prizes sa ating mga benepisyaryo.

#MabuhayKaInfanta
#LGUInfantainAction
#ForGReAterInfanta

Tags: