Error message

Warning: "continue" targeting switch is equivalent to "break". Did you mean to use "continue 2"? in include_once() (line 1387 of /home/infanta/public_html/includes/bootstrap.inc).

National Arts Month

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Arts Month, ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Sierra Cecilia A. Peñamante ng Tourism Office ay itinampok ang PALABAS Arts Festival. Kinalahukan ang programang ito ng 7 grupo ng mga kabataan mula sa iba't ibang paaralan dito sa Infanta. Sa kanyang mensahe, binanggit ni Punong Bayan Grace America na isinusulong ng lokal na pamahalaan ang mga ganitong gawain bilang paglinang ng ating sariling kultura at sariling sining gayundin upang mahasa ang kakayanan ng ating mga kabataan. Ayon sa kanya, ang sining at kultura na kaluluwa ng ating bayan ay makakatulong upang mapaunlad ang ating bayan.more photos

Tags: