PANUNUMPA SA TUNGKULIN NG PAMBAYANG PAMUNUAN PARA SA TAONG 2019-2022 GINANAP

Ginanap noong Hunyo 30, 2019, Linggo sa ganap na ika-7 ng gabi ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong halal

na mamumuno sa ating bayan para sa taong 2019-2022 kay Judge Agripino R. Bravo, Presiding Judge ng RTC Branch 65. May temang Pyesta ang naging okasyon kung kaya’t ang mga dumalo ay nakasuot ng kasuotang Pilipino. Dinaluhan ito ng mga pamilya at kamag-anak ng mga bagong lingkod bayan, pinuno ng bawat tanggapan ng lokal na pamahalaan, mga lider ng simbahan, Sangguniang Barangay, NGAs, NGOs at iba pa. Nagpahayag ng kani-kanilang pasasalamat at pangako ang mga bagong lingkod.