Pyesta na sa Infanta, G na!

Noong ika- 25 ng Abril 2019, ika 7:00 ng gabi ay ginanap ang Bb. Infanta 2019. Ito ang naging pinakatampok

ng pagdiriwang ng buong kapistahan sa bayan ng Infanta na nagsimula noong Abril 15 hanggang April 30. Nilahukan ng 30 kababaihan mula sa iba’t-ibang barangay ang nasabing pasinaya kung saan ang bawat kandidata ay nagpakita ng kanilang galing, husay sa paglalakad suot ang iba’t-ibang kasuotan at nagpamalas ng kanilang aking talino sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan mula sa mga hurado.

Nasungkit ni Bb. Reezt Anne Akiko Sumilang ng Brgy. Silangan ang titulong Bb. Infanta 2019, Ms. Michelle D. Moises ng Brgy. Comon ang 1st Runner Up at Bb. Alyssa Jouie Curia ang 2nd Runner Up.

Ang mga nagkamit ng iba pang titulo sa patimpalak ay ang mga sumusunod: Best in Long Gown – Reezt Anne Akiko Sumilang Texter’s Choice Award – Michelle D. Moises Miss Congeniality – Reezt Anne Akiko Sumilang Miss Photogenic – Keyrbee Brosas Best in Swimwear – Jewel Marie Almeria Best in Production Number – Aira L. Rosas

Tags: