Tilapia fingerlings, ipinamahagi ng BFAR IV-A

Hunyo 3, 2022
Noong nakaraang Biyernes ay nakatanggap ng 100,000 tilapia fingerlings ang mga miyembro ng Samahan ng mga Nag-aalaga ng Tilapia sa Infanta (SaNTI) at ilang pribadong indibidwal na nag mamay-ari ng mga palaisdaan sa ating bayan.
Ang mga fingerlings na ipinamahagi ng Lokal na Pamahalaan ng Infanta, Quezon sa pangunguna ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultur ay nagmula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region IV-A.
Lubos ang pasasalamat ng mga benepisyaryong may palaisdaan sa mga kaloob na fingerlings sa kanila. Ang mga ito ay malaking tulong sa kanilang kabuhayan.

#MabuhayKaInfanta
#ForGReAterInfanta

Tags: