TILAPIA SEEDING PINASIMULAN

Sa pamumuno ng Tanggapan ng Agrikultor ay sinumulan ang proyekto ng Tilapia Seeding noong Disyembre 2018 sa Brgy. Dinahican sa pakikipagtulungan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR-IVA), MFARMC at Sangguniang Barangay sa pangunguna ni PB Reynaldo A. Pereña.

Ang Tilapia Seeding ay alternatibong ginagawa sa Water Impounding. Layunin ng proyektong ito ang paglalagay ng semilya ng Tilapia para ito ay padamihin upang kung malakas ang dagat at hindi makapamiwas ay maaring mangisda doon at gayundin upang magkaroon ng Food Security ang mamayan ng Infanta. Tilapia ang ang napiling isda dahil sila ay nabubuhay sa fresh water, mas mabilis dumami at hindi mahirap alagaan. Ang mga Barangay na may water impounding na hindi naiiga at natukoy upang paglalagyan pa semilya ng tilapia ay ang mga sumusunod: Brgy. Dinahican Brgy. Anibong Brgy. Abiawin Bgry. Binulasan Brgy. Libjo