Ang Alamat ng Barangay Noong unang panahon, uso ang paligsahan ng bunong braso sa lugar na ito. Palagian itong ginaganap kung may mga pagtitipon. Isang araw tumawag ng pagtitipon sa pamamagitan ng tambuli (isang malaking shell na may butas sa puwit at doon hinihipan upang magbigay ng malakas na tunog) ang pinaka pinuno dito at nagpahayag na ibig niyang magkaroon ng isang paligsahan sa bunong braso at ang sino mang magwagi ay ipapakasal niya sa kanyang magandang anak na si Noan. Sa naturang paligsahan ay nagwagi si Bino, isang makisig na lalaki at sila nga ay ikinasal ni Noan nang araw ding yaon. Dahilan sa wala pang pangalan ang lugar na iyon ay tinawag itong Bino-Noan mula sa pangalan nina Bino at Noan. Ang ilan sa mga matatandang nagging Tinyente del baryo ay sina Eustaquio Pujalte, Esteban Coronacion,, Melquiades Peñaverde, Severo Cabugayan, Ildefonso Peñamante at Oscar Peñaojas. Sumunod dito ay ang mga Kapitan del Barrio na sina Tito Meraña, Zosimo America, Abudio Laviña, Tommy Peñaverde at ang kasalukuyan ngayong kapitan si Marcial Coronacion. |