Citizen-Centric

For Residents
For Visitors
For Businesses

Main Menu

Home
Services
Map & Location
About the LGU
Directory
Local News
Featured
Announcements
Newsletter/Publication
Downloadable Files
eForum
Site Map
Guest Book
Photo Gallery
Webmail

Who's Online

YOU ARE A VISITOR
Philippine Community eCenter Portal
Boboin Print E-mail
ImageAng Alamat ng Barangay

Ayon sa kwento ng mga matatandang ninuno ng barangay, ang lugar na ito ay tinatawag na Sta. Monica del Ampon ng mga dayuhang Kastila. Sapagkat dito ay may mga dagsang lupa na ini-anod ng baha na nahati-hati sa tatlong pinakamatatandang baryo sa bayang na ito.

Ang mga baryong ito ay ang Banugao, Tongohin, at Boboin. Kaya tinawag itong Sta. Monica del Ampon sapagkat kung mayroong mga dayuhan na nakikipamuhay sa baryong ito at hindi na nakabalik sa kanilang mga lugar ang mga ito ay kanila nang inaampon o inaari na nilang kababaryo o kanayon.

Lingid din sa mga pahiwatig ng mga ninuno, mayroon umanong isang matandang nagkakasa (o naglalagay) ng bubo kapag dumaratal na ang dapit hapon sa ilalim ng tulay ng Boboin.

Nang panahong iyon ay nagkabitak-bitak ang malalalim na lupa. Nagkaroon din ng pagragasa ng mga tubig na nagmumula sa ilalim ng lupa na nagging sanhi ng malakas na paglindol ng panahong sakupin ng Kastila ang baryong ito.

Hindi naman namamalayan ng matandang nagkakasa o naglalagay ng bubo na sa tuwing hapong ginagawa niya ang pagkakasa ay may sundalong Kastila na lihim na nakamatyag sa kanya.

Nang maiahon na niyang isa-isa ang ikinasang mga bubo na maraming huling alimango sa ilalim ng tulay ay lumapit ang mga sundalong Kastila sa matandang lalaki at nagtanong sa kanya ng "Ano ba iyan?"

Ang sagot ng matanda´y "bubo." Kung kaya´t ito´y tinandaan ng mga sundalong Kastila at kapag may nagtanong ng pangalan ng lugar ay "Bubo-in" ang kanilang isinasagot.

Kaya´t ang dating katawagan dito na Sta. Monica del Ampon na nag-uugat sa mga dagsang lupa na inianod ng matandang paahon buhat sa baha ay pinalitan ng Boboin.

Elected Barangay Officials 2007 Profile
Chairman: Atilano A. Gucilatar
Councilors: Candelaria R. Villanueva
Eduardo A. Morilla
Mariebel P. Merto
Dionesio G. Tena
Apolinario G. Nolledo
Elsa A. Romantico
Edwin C. Avellaneda
Land Area: 266.0000
Population: xxx
Households: xxx

Image
Getting Here

Boboin is 1 to 3 km from the town proper. It is accessible through tricycle plying the route no. 09. The minimum fare is Php 6.00 and the maximum is Php 9.00. Other light vehicles could also pass and access the said barangay.

 
< Prev   Next >
Local News
Invitation To Bid

Events Calendar

« < September 2010 > »
S M T W T F S
29 30 31 1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 1 2
No events

Website Poll

How do you rate our website?
 
IP

LGU Infanta, Quezon Galing Pook 2007 Awardee
Copyright © 2008 last updated : March 14, 2008, 07:07pm
Best viewed in Internet Explorer 5.0 or higher | Maxthon | Firefox 1.7 or higher
The official website of Municipality of Infanta
2nd Flr, ICT Unit, Municipal Hall, Infanta, Quezon 4336