Dec 04, 2025 05:30 PM 117
Barangay Nutrition Program Management and BNAP Formulation (FY 2026–2028), inilatag!
Pinangunahan ng Municipal Nutrition Action Office (MNAO), sa pangunguna nina G. JP Maglantay, Agriculturist II/Designated MNAO, at G. Harold R. Combalicer, ang Orientation and Workshop on Barangay Nutrition Program Management and BNAP Formulation (FY 2026–2028) na dinaluhan ng mga Punong Barangay, Secretary, Treasurer, Kagawad on Health, Midwife, at mga Barangay Nutrition Scholar (BNS).
Sa naganap na dalawang araw na gawain, tinalakay ang mahahalagang paksang may kinalaman sa malnutrisyon at ang kasalukuyang estado nito sa ating bayan, karapatan ng mga bata sa wastong nutrisyon, at mga kinakailangang hakbang upang tuluyang masugpo ito. Kasabay din dito ang Consolidation of Nutrition Situational Analysis, Problem Tree, at Re-planning at Drafting ng Barangay Nutrition Action Plan (BNAP) para sa taong 2026–2028.
Buong suporta ang ibinibigay ng ating Punong Bayan, Lord Arnel L. Ruanto, sa mga programang nagsusulong ng isang mas malusog na pamayanan sa Infanta.
Sa atin nagsisimula ang mas malusog na komunidad! Infantahin, KAYA NATIN!
Jan 21, 2026 10:30 AM
Jan 20, 2026 05:00 PM
Jan 20, 2026 11:00 AM
Jan 20, 2026 10:00 AM
Jan 19, 2026 05:00 PM
Sep 16, 2024 08:31 PM
Suspendido ang klase mula Kindergarten hanggang Senior High School (Grade 12) at Alternative Learning System (ALS) sa lahat ng pampubliko at pampribadong paaralan sa bayan ng Infanta, Quezon bukas, ika-17 ng Setyembre 2024.
Read MoreJul 01, 2024 05:00 PM
Ngayong araw ay isinagawa ang huling pagsasanay para sa mga participants mula sa iba't ibang ahensya na kabilang sa MDRRM Council.Ang limang araw na pagsasanay ay matagumpay na naibigay nila G. Roy Christopher V. Carpio at G. Cesar Ryan C. Ellaga ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at G. Jessy James R. Valderamos mula sa Tayabas City DRRMO katuwang ang Training Team ng…
Read MoreJun 28, 2024 10:01 PM
Nakibahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Infanta sa pagdaraos ng Southern Tagalog Association of Water Districts (STAWD) General Membership Meeting na pinangunahan ng Infanta Quezon Water District at ginanap dito sa ating bayan ngayong araw.Ang mga delegado mula sa 36 na Water Districts ay malugod na tinanggap sa ating bayan ng ating mahal na Punong Bayan Filipina Grace R. America…
Read MoreJan 21, 2026 10:30 AM
Jan 20, 2026 05:00 PM
Jan 20, 2026 11:00 AM
Jan 20, 2026 10:00 AM
Jan 19, 2026 05:00 PM