Jan 19, 2026 05:00 PM 77
MGA NAGWAGI SA TODALYMPICS, KINILALA NA
Matapos ilunsad noong nakaraang taon ni Mayor LA Ruanto ang kauna-unahang TODALYMPICS na naglalayong pag-isahin at pagtibayin ang samahan ng mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa pamamagitan ng palakasan, pormal nang kinilala ang mga rutang nangibabaw sa iba’t ibang larangan ng isports.
Sa larong Basketball, itinanghal na Kampeon ang Route 9 MATIGAL, sinundan ng Route 2 MAKA-DIYOS bilang First Runner-Up, Route 13 MASIKAP bilang Second Runner-Up, at Route 14 MADUNONG bilang Third Runner-Up. Tinanghal na Finals MVP si Jumar Astoveza, Season’s MVP si Russel De Loreto, Sportsmanship Awardee si Emman Tena, at Most Defensive Player si Jazel Peñamante. Bahagi naman ng Mythical 5 sina Jumar Astoveza, Russel De Loreto, Francis Kevin Travel, Marvin Moraleda, at John Combalicer.
Sa Volleyball Tournament, kampeon ang Route 14 MADUNONG, habang First Runner-Up ang Route 9 MATIGAL, Second Runner-Up ang Route 13 MASIKAP, at Third Runner-Up ang Route 4 MAPAGMAHAL. Itinanghal na Finals MVP si Jojie Valencia, Season’s MVP si Jomar Valenzuela, Most Disciplined Player si Jimmy Hemor, at Most Disciplined Team ang Route 14 MADUNONG. Kabilang sa Mythical 6 sina Jomar Valenzuela, Jojie Valencia, Jimmy Hemor, Aldrin Pujeda, Emman Tena, at John Mark Alcazar.
Sa Chess Tournament, nagkampeon sina Joel B. Mercado at Emmanuel Bacleg ng Route 12. First Runner-Up sina John Rholan Repato, Monfiel E. Miras, at Jesus P. Aumentado ng Route 10; Second Runner-Up sina Joenar San Pedro, Jerry San Pedro, at Ronald Miranda ng Route 5; at Third Runner-Up sina Loreto Durante at Elmer Peñamante ng Route 7.
Sa kabuuang resulta ng paligsahan, itinanghal na Over-all Champion ang Route 9 MATIGAL. Over-all First Place ang Route 14 MADUNONG, Over-all Second Place ang Route 13 MASIKAP, at nagtabla bilang Over-all Third Place ang Route 2 MAKA-DIYOS at Route 5 MASIPAG.
Ang pagkilalang ito ay patunay sa pagkakaisa, disiplina, at kakayahan ng mga miyembro ng TODA, at nagpapakita ng positibong epekto ng TODALYMPICS bilang plataporma ng sportsmanship at camaraderie sa hanay ng sektor ng transportasyon sa bayan ng Infanta.
Feb 12, 2026 06:00 PM
Feb 12, 2026 08:30 AM
Feb 10, 2026 03:00 PM
Sep 16, 2024 08:31 PM
Suspendido ang klase mula Kindergarten hanggang Senior High School (Grade 12) at Alternative Learning System (ALS) sa lahat ng pampubliko at pampribadong paaralan sa bayan ng Infanta, Quezon bukas, ika-17 ng Setyembre 2024.
Read MoreJul 01, 2024 05:00 PM
Ngayong araw ay isinagawa ang huling pagsasanay para sa mga participants mula sa iba't ibang ahensya na kabilang sa MDRRM Council.Ang limang araw na pagsasanay ay matagumpay na naibigay nila G. Roy Christopher V. Carpio at G. Cesar Ryan C. Ellaga ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at G. Jessy James R. Valderamos mula sa Tayabas City DRRMO katuwang ang Training Team ng…
Read MoreJun 28, 2024 10:01 PM
Nakibahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Infanta sa pagdaraos ng Southern Tagalog Association of Water Districts (STAWD) General Membership Meeting na pinangunahan ng Infanta Quezon Water District at ginanap dito sa ating bayan ngayong araw.Ang mga delegado mula sa 36 na Water Districts ay malugod na tinanggap sa ating bayan ng ating mahal na Punong Bayan Filipina Grace R. America…
Read MoreFeb 12, 2026 06:00 PM
Feb 12, 2026 04:00 PM
Feb 12, 2026 08:30 AM
Feb 11, 2026 04:00 PM
Feb 10, 2026 03:00 PM