Jan 20, 2026 05:00 PM 69
Educational Assistance para sa mga mag-aaral ng Miyunod Elementary School, ipinamahagi
Limampu’t isang (51) mag-aaral ng Miyunod Elementary School ang masayang nakatanggap ng Educational Assistance mula sa Lokal na Pamahalaan ng Infanta sa pamumuno ng ating Punong Bayan, Mayor Lord Arnel L. Ruanto.
Ang Miyunod Elementary School at ang mga mag-aaral nito ay kabilang sa mga itinuturing na geographically isolated and disadvantaged area (GIDA), kaya’t ang naturang tulong pinansyal ay malaking tulong upang masuportahan ang kanilang pangangailangang pang-edukasyon.
Sa mensahe ni Konsehal Maxiel Rodrigo A. Mortiz Jr., Tagapangulo ng Komite sa Edukasyon ng Sangguniang Bayan, kanyang binigyang-diin na ang programang ito ay simula pa lamang at patuloy pang palalawakin para sa kapakanan ng mga mag-aaral at guro sa bayan.
Samantala, hinikayat naman ni Haligi Punong Bayan Mannie A. America ang mga magulang na patuloy na magpunyagi sa pagtataguyod ng edukasyon ng kanilang mga anak. Tiniyak din niya na ang lokal na pamahalaan ay patuloy na maghahatid ng Lingap Agad, lalo na sa sektor ng edukasyon.
Patuloy na nananatiling pangunahing prayoridad ng ating Punong Bayan ang kapakanan at kinabukasan ng kabataang Infantahin, kaya’t walang humpay niyang isinusulong ang mga programang pang-edukasyon sa ating bayan.
Buong pusong paglingap para sa mas maliwanag na kinabukasan ng kabataan.
Ito na ang Responsableng Pamahalaan.
Infantahin, Kaya Natin!
Feb 12, 2026 06:00 PM
Feb 12, 2026 08:30 AM
Feb 10, 2026 03:00 PM
Sep 16, 2024 08:31 PM
Suspendido ang klase mula Kindergarten hanggang Senior High School (Grade 12) at Alternative Learning System (ALS) sa lahat ng pampubliko at pampribadong paaralan sa bayan ng Infanta, Quezon bukas, ika-17 ng Setyembre 2024.
Read MoreJul 01, 2024 05:00 PM
Ngayong araw ay isinagawa ang huling pagsasanay para sa mga participants mula sa iba't ibang ahensya na kabilang sa MDRRM Council.Ang limang araw na pagsasanay ay matagumpay na naibigay nila G. Roy Christopher V. Carpio at G. Cesar Ryan C. Ellaga ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at G. Jessy James R. Valderamos mula sa Tayabas City DRRMO katuwang ang Training Team ng…
Read MoreJun 28, 2024 10:01 PM
Nakibahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Infanta sa pagdaraos ng Southern Tagalog Association of Water Districts (STAWD) General Membership Meeting na pinangunahan ng Infanta Quezon Water District at ginanap dito sa ating bayan ngayong araw.Ang mga delegado mula sa 36 na Water Districts ay malugod na tinanggap sa ating bayan ng ating mahal na Punong Bayan Filipina Grace R. America…
Read MoreFeb 12, 2026 06:00 PM
Feb 12, 2026 04:00 PM
Feb 12, 2026 08:30 AM
Feb 11, 2026 04:00 PM
Feb 10, 2026 03:00 PM