Jul 01, 2024 05:00 PM
Ngayong araw ay isinagawa ang huling pagsasanay para sa mga
participants mula sa iba't ibang ahensya na kabilang sa MDRRM Council.
Ang limang araw na pagsasanay ay matagumpay na naibigay nila
G. Roy Christopher V. Carpio at G. Cesar Ryan C. Ellaga ng Provincial Disaster
Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at G. Jessy James R. Valderamos
mula sa Tayabas City DRRMO katuwang ang Training Team ng ating MDRRMO.
Layunin ng training-course na ito na mabigyan ng kaukulang
kasanayan at kaalaman ang mga participants sa agarang pagtugon sa mga sitwasyon
o aksidente at insidente na kaya pang mabigyan ng paunang lunas habang
naghihintay ng rescue. Mahalaga na may mga indibiduwal din na marunong ng First
Aid at Basic Life Support measures sa iba’t-ibang tanggapan upang maging force
multipliers ng ating mga emergency responders. Ang mga participants na
makakatapos ng kursong ito ay magkakaroon ng Certification at magiging rehistradong
First Aider ayon sa mga panuntunan ng Department of Health at ng NDRRMC.
Sa huli ay nagkaroon ng paggagawad ng sertipiko sa mga
nagsipagtapos sa nasabing training course at sa mga trainors.
#mabuhaykainfanta
#ForGReAterInfanta
Nov 25, 2024 06:07 PM
Nov 25, 2024 05:10 PM
Nov 25, 2024 10:05 AM
Nov 21, 2024 02:04 PM
Nov 21, 2024 12:00 AM
Jul 01, 2024 05:00 PM
Ngayong araw ay isinagawa ang huling pagsasanay para sa mga participants mula sa iba't ibang ahensya na kabilang sa MDRRM Council.Ang limang araw na pagsasanay ay matagumpay na naibigay nila G. Roy Christopher V. Carpio at G. Cesar Ryan C. Ellaga ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at G. Jessy James R. Valderamos mula sa Tayabas City DRRMO katuwang ang Training Team ng…
Read MoreSep 16, 2024 08:31 PM
Suspendido ang klase mula Kindergarten hanggang Senior High School (Grade 12) at Alternative Learning System (ALS) sa lahat ng pampubliko at pampribadong paaralan sa bayan ng Infanta, Quezon bukas, ika-17 ng Setyembre 2024.
Read MoreJun 28, 2024 10:01 PM
Nakibahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Infanta sa pagdaraos ng Southern Tagalog Association of Water Districts (STAWD) General Membership Meeting na pinangunahan ng Infanta Quezon Water District at ginanap dito sa ating bayan ngayong araw.Ang mga delegado mula sa 36 na Water Districts ay malugod na tinanggap sa ating bayan ng ating mahal na Punong Bayan Filipina Grace R. America…
Read MoreNov 25, 2024 06:07 PM
Nov 25, 2024 05:10 PM
Nov 25, 2024 10:05 AM
Nov 21, 2024 02:04 PM
Nov 21, 2024 12:00 AM