PULONG SA PAGITAN NG BINULASAN TODA (BTODA) AT DINAHICAN TODA (DTODA) GINANAP!

Oktubre 13, 2023

Sa atas ni Punong Bayan Filipina Grace R. America ay nagkaroon ng pagpupulong sa pagitan ng mga miyembro ng Binulasan TODA, Dinahican TODA, Sangguniang Barangay ng Dinahican at Binulasan na pinagitnaan ni Kons. Cherry Macasaet upang talakayin ang usapin patungkol sa hatian ng pasahero ng bawat TODA.

Dumalo rin sa pulong na ito ang ating Infanta Fuerza Poblacion na siyang mga nangangasiwa sa daloy ng trapiko sa ating bayan, mga opisyal mula sa Parent Teacher Association at Principal mula sa Binulasan Integrated School (BIS).

Read More
PULONG KAUGNAY NG FOREST LAND USE PLAN (FLUP) 2024-2029, GINANAP!

OKTUBRE 12, 2023

Read More
Payout ng Assistance to Individuals in Crisis Situation Program (AICS) para sa mga opisyal ng FISCA, ginanap!

Oktubre 11, 2023

Nagaganap ngayo ang isang payout ng Assistance to Individuals in Crisis Situation Program (AICS) mula sa DSWD para sa mga opisyal ng FISCA mula sa iba't-ibang bahagi ng ating bayan. Ang programang ito ay sa pakikipagtulungan kasama si Cong. Rodolfo "Ompong" M. Ordanes at mayroong 400 na benepisyaryo na makakatanggap ng dalawang libo (PHP 2,000.00) bawat isa.

Read More
PAGBABAKUNA SA MGA SENIOR CITIZENS KAUGNAY NG PROVINCE-WIDE FLU AT PNEUMOCOCCAL VACCINATION PROGRAM, NAGAGANAP

Oktubre 11, 2023

Bilang pagpupugay at pagbibigay ng halaga sa ating mga nakatatandang mamamayan, ang Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ng ating Punong Bayan Filipina Grace R. America ay nakiisa sa nagaganap na Province-Wide Flu & Pneumococcal Vaccination na isang adbokasiya ng Provincial Health Office at ng ating Gobernador Doktora Angelina Helen Tan.

Read More
Project Validation ng DILG Quezon at Local Project Monitoring Committee (LPMC) sa Sitio Cacawayan, Brgy. Magsaysay

Oktubre 9, 2023

Ngayong araw ay naganap ang Final Project Validation ng Local Project Monitoring Committee (LPMC) kasama ang ilang mga kawani mula sa DILG Quezon Provincial Office upang bisitahin muli ang mga minor adjustments at repair sa isinasagawang farm to market road sa Sitio Cacawayan, Brgy. Magsaysay, Infanta, Quezon. Ang proyektong ito na nagkakahalaga ng P3,996,478.06 ay mula sa Support to the Barangay Development Program (SBDP) 2022 ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ng Pilipinas.

Read More
FLAG-RAISING CEREMONY AT MORNING DEVOTION NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG INFANTA, QUEZON

OKTUBRE 9, 2023

Sa pangunguna ng tanggapan ng Economic Enterprise - Slaughterhouse ng Lokal na Pamahalaan ng Infanta, Quezon ay ginanap ang Flag Ceremony at Morning Devotion sa Infanta Social Center (Plaza).

Naging tagapagpadaloy ng programa si Bb. Marivie Ungriano at sinundan naman ito ng pagbabahagi ng salita ng diyos mula kay Pastor Eric Veleso at matapos nito ay ang mga pag-uulat at pagbibigay ng mga paalala ng iba't-ibang pinuno ng Tanggapan kaugnay ng mga naganap na aktibidad sa mga nakalipas na araw at sa mga susunod pa.

Read More

Pages