PULONG NG GAD FOCAL POINT SYSTEM (GFPS)-TECHNICAL WORKING GROUP (TWG)

Marso 21, 2023

Nagaganap ngayong araw ang isang pagpupulong ng mga kabilang sa Technical Working Group (TWG) ng GAD FOCAL POINT SYSTEM (GFPS) at pinangunahan ito ni B. Armida Concepcion-Acting MGDH-HRMO.

Kasama rin sa pulong na ito ang ilang representante mula sa MSWD, MHO, Municipal Engineering Office, Economic Enterprise, Mayor's Office-Information Section, Municipal Tourism Office, General Services Office, Infanta-MPS at Local Disaster Risk Reduction and Management Office.

Read More
Mga kawani ng BFAR IV-A, Bumisita

Marso 20, 2023

Bumisita sa ating Punong Bayan Filipina Grace R. America sina B. Roselle Lucero-Sub PFO BFAR IV-A at G. Arwin Delos Santos-BFAR IV-A ngayong araw.

Sa maiksing pag pupulong, tinalakay nila ang proyektong Bangus Fry Nursery Project na ipapatayo ngayong taon sa Brgy. Libjo na nagkakahalaga ng 2 Milyong Piso. Tinyak naman ng Lokal na Pamahalaan na ibibgay nila lahat ng kainakailangang suporta upang mas mapabilis ang pagpapatayo ng pasilidad na ito.

Read More
PULONG KASAMA ANG SANGGUNIANG BARANGAY NG SILANGAN, GINANAP

Marso 20, 2023

Pinangunahan ngayong araw ni Punong Bayan Filipina Grace R. America ang isang pulong kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Barangay ng Silangan.

Dinaluhan ito ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan tulad nina Rodolfo Morilla Jr. - Municipal Assessor, G. Reynaldo Avila - Municipal Environment & Natural Resources Officer, G. Brylle Borreo - Planning Office I, B. Hazel Nuque-Mayor's Office, Kon. Marlon Potes na siyang committee chairperson sa Enviromental Protection DRRM / Climate Change at G. Henry Joven bilang representante mula sa CENRO.

Read More
FLAG-RAISING CEREMONY AT MORNING DEVOTION NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG INFANTA, QUEZON

Marso 20, 2023

Sa pangunguna ng tanggapan ng Municipal Asssessor ng Lokal na Pamahalaan ng Infanta, Quezon ay ginanap ang Flag Ceremony at Morning Devotion sa Infanta Social Center (Plaza).

Naging tagapagpadaloy ng maiksing programa si B. Eloisa Rivas. Sinimulan ito ng pagbabahagi ng Salita ng Diyos nila Pastor Rey Caballero at Pastor Silverio Gomez mula sa United Peace Federation. Sinundan naman ito ng mga pag-uulat at pagbibigay ng mga paalala ng iba't-ibang pinuno ng Tanggapan kaugnay ng mga aktibidad ngayong linggong ito.

Read More
PULONG NG COMMITTEE ON ANTI-RED TAPE, GINANAP

Marso 20, 2023

Nagkaroon ng pag pupulong ngayong araw ang mga miyembro ng Committee on Anti-Red Tape sa WMV Hotel & Restaurant.

Naging tagapagpadaloy ng pagpupulong si B. Armida Concepcion-Acting MGDH-HRMO/CART Co-Chairperson at dinaluhan nina B. Jane Fortunado-Mun. Treasurer, G. Romulo Orozco-Mun. Budget Officer, Engr. Susan America-Mun. Planning and Development Officer at ilang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan.

Tinalakay dito ang mga sumusunod na paksa:

Read More
Courtesy Visit and Coordination Meeting kasama ang Department of Agriculture - Philippine Rural Development Project, ginanap

Marso 17, 2023

Binisita ang ating Punong Bayan Filipina Grace R. America ng ilang miyembro mula sa DA - Philippine Rural Development Project (PRDP), kasama si Ms. Pie Ballesteros at iba pa.

Tinalakay dito ang mga updates kaugnay ng mga nirequest ng LGU na potensyal na proyektong maaaring pondohan sa ilalim ng PRDP. Ilan lamang sa mga ito ang concreting of farm to market road sa Brgy. Binulasan-Abiawin, ang construction ng sea wall ng Crab Hatchery sa Brgy. Dinahican, at iba pa.

Read More

Pages