1st QUARTER MEETING NG MUNICIPAL SOLID WASTE MANAGMENT BOARD (MSWMB), GINANAP

Marso 15, 2023

Sa atas ni Punong Bayan Filipina Grace R. America ay isinagawa ang 1st Quarter meeting ng mga miyembro ng Municipal Solid Waste Management Board ngayong araw.

Naigng taga pagpadaloy si G. Reynaldo Avila-Municipal Environment & Natural Resources Officer at ito ay dinaluhan ito ng ilang miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Kon. Joseller Portales, Kon. Anlo Cuento, Kon. Marlon Potes via zoom at ilang mga Barangay Chairperson at mga Leader ng iba't-ibang institusyon o establisyimento.

Tinalakay dito ang segragasyon ng mga basura at ang kahalagahan nito, ganyun din ang schedule ng pagkuha ng mga basura sa mga itinalgang tapunan sa bawat barangay. Nagbigay din ng updates ang tanggapan ng MENRO sa kanilang proyektong Eco Bricks na may malaking potensyal na gamitin sa iba't-ibang parte ng isang konstruksyon.

Ang paghihiwalay ng basura ay kasama sa batas sapagkat mas madaling mag-recycle. Ang mabisang paghihiwalay ng mga basura ay nangangahulugang ang mas kaunting basura ay napupunta sa landfill. Mahalaga rin na maghiwalay para sa kalusugan ng publiko.

#MabuhayKaInfanta
#LGUInfantainAction
#ForGReAterInfanta

Tags: