Marso 15, 2023
ENERO 11, 2023
Pinangunahan ni Engr. Gamaliel Nakar mula sa DPWH at mga kasamahan na sina Engr. Janelle Portales, at Engr. Karen Prohibido ang pag presinta sa ating mahal na Punong Bayan Filipina Grace R. America kasama ang ilang kawani mula sa Municipal Engineering Office ang mga detalye kaugnay ng seismic base isolator.
Nagbigay ng mga detalye G. Ruel Ramirez mula sa RBRA Structural Engineers & Consultants patungkol sa base isolator. Magiging kauna-unahang munisipyo sa ating bansa ang ating itatayong munisipyo na mayroon na base isolator na higit na makakatulong sa mga empleyado at mga kliyente sa oras ng lindol.
Nagpasalamat naman ang Lokal na Pamahalaan sa patuloy na pagbibigay ng update at sa mabilis na mga pagkilos ng DPWH at WJ Construction upang maisakatuparan na ang ating bagong munisipyo.
#MabuhayKaInfanta
#LGUInfantainAction
#ForGReAterInfanta