DISTRIBUTION NG FINANCIAL ASSISTANCE PARA SA MGA FARMERS, FISHERFOLKS AT HOG RAISERS

ENERO 27, 2023

Ngayong araw ay ginanap ang pamamahagi ng tulong pinansyal, corn seeds at mga fertilizers mula sa Pamahalaang Panlalawigan sa ating mga kababayang magsasaka, mangingisda at mga nag aalaga ng mga hayop na pang kabuhayan sa ating bayan. Mahigit Isang Libong kababayan natin mula sa sektor ng agrikultura ang makakakuha ng Limang Libong piso (5,000) na tulong pinansyal at mga agricultural inputs at kagamitan mula sa Department of Agriculture. Nagbigay din ng mga panimulang alagang hayop para sa Project INSPIRE na ang IBHRA o Infanta Backyard Hog Raiser Association ang pangunahing benepisyaryo.

Pinangunahan ang programang ito nina Hon. Cong. Wilfrido Mark Enverga, Hon. Vice-Governor Third Alcala bilang kinatawan ni Gov. Angelina Tan, Board Member Julius Luces, G. Carmelo Francia bilang kinatawan ng ating Punong Bayan Filipina Grace R. America at nagsisilbi din na Acting Municipal Agriculturist, G. Eduardo R. Lalas bilang representante ng Department of Agriculture, at Ilang miyembro ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor LA Ruanto.

Ang Lokal na Pamahalaan ay taos pusong nagpapasalamat sa mga tulong at programa para sa ating sektor ng agrikultura sa ating bayan. malaking bagay ito upang magkaroon ng masagang ani ang ating mga kababayan na umaasa sa pagsasaka, pangingisda at pag aalaga ng mga hayop bilang kanilang hanap buhay.

Patuloy na kinikilala ng Lokal na Pamahalaan ang importansya at kahalagahan ng sektor ng agrikultura na isa sa mga nagpapatakbo ng ekonomiya sa ating bayan at isa din sa mga naging bayani nitong panahon ng pandemyang dulot ng Covid-19.

Tags: