ENERO 11, 2023
Pinangunahan ni Engr. Gamaliel Nakar mula sa DPWH at mga kasamahan na sina Engr. Janelle Portales, Engr. Julie Val Leynes, at Engr. Karen Prohibido ang pag presinta sa ating mahal na Punong Bayan Filipina Grace R. America ang Detailed Engineering Design Plan para sa ating bagong munisipyo.
Sa maiksing pag pupulong, nabanggit ng mga kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Regional Office No. IV-A ang Notice to Proceed sa darating na Jan. 13, 2023. Sa susunod na linggo ay magkakaroon ng Pre-Implementation meeting upang maisaayos ang pag dating ng mga kagamitan, materyales at manpower. Inaasahan na mag sisimula ang konstruksyon sa lalong madaling panahon.
Dumalo din sa pulong na ito sina Kon. Cherry Macasaet, Kon. Anlo Cuento, Engr. Maria Jesusa Bugayong, Engr. Susan America, at G. Brylle Borreo.
#MabuhayKaInfanta
#ForGReAterInfanta
#LGUInfantainAction