ENERO 16, 2023
Sa pangunguna ng tanggapan ng Economic Enterprise (ICC) ng Lokal na Pamahalaan ng Infanta, Quezon ay ginanap ang Flag Ceremony at Morning Devotion sa Infanta Social Center (Plaza).
Naging tagapagpadaloy si G. Marlon Prohibido. Sinundan naman ito ng pagbabahagi ng salita ng diyos mula kay Pastor Felix Astoveza at matapos nito ay ang mga pag-uulat at pagbibigay ng mga paalala ng iba't-ibang pinuno ng Tanggapan kaugnay ng mga aktibidad ngayong linggong ito.
Ang ating minamahal na Punong Bayan Filipina Grace R. America ang nagbigay ng pangwakas na pananalita via ZOOM. Kanyang binalikan ang mga naganap na pulong nitong mga nakaraang Linggo tulad ng Dredging Activity ng Lokal na Pamahalaan, MOU signing para sa goat disbursement at pulong kasama ang ilang miyembro ng SK Chairperson kaugnay ng Local Youth Development Plan.
Ang Flag-Raising Ceremony at Morning Devotion ay dinadaluhan ng mga opisyal, kawani, at Job Order Workers ng LGU, ilang miyembro mula sa Sangguniang Bayan, Philippine National Police at Bureau of Fire-Infanta.
#MabuhayKaInfanta
#ForGReAterInfanta
#LGUInfantainAction