FLAG-RAISING CEREMONY AT MORNING DEVOTION NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG INFANTA, QUEZON

ENERO 23, 2023
Sa pangunguna ng mga tanggapan ng Bureau of Internal Revenue (BIR), Philippine Coconut Authority (PCA) at Phil. Post Office ay ginanap ang Flag Ceremony at Morning Devotion sa Infanta Social Center (Plaza).
Naging tagapagpadaloy ng maikling programang ito si G. Ariel Morilla. Sinundan naman ito ng pagbabahagi ng salita ng Diyos ni Pastor Erick Veleso ng Emmanuel Bible Baptist Church of Maypulot. Sa ikalawanng bahagi ay nagbigay ng mga paalala at mga pag-uulat ang mga sumusunod na Tanggapan:
Municipal Health Office – kaugnay ng zero (0) COVID case, at ang vaccination schedule sa MHO/Center na ginaganap araw-araw maliban kung araw ng Miyerkules na nakatakdang pagbabakuna sa mga sanggol
Phil. Post Office – kanilang nilinaw na ang mga nagnanais magkaroon ng temporary national ID ay maaaring magtungo sa Satellite Office sa ICC. Bukod pa rito ipinabatid din nila na ang National ID ay dapat tanggapin bilang valid ID kung kaya't ang mga establisiyemento o tanggapan na aayaw ito tanggapin ay maaaring ireklamo
Commission on Elections – ipinabatid ng kanilang tanggapan na hanggang Enero 31 na lamang ang pagpaparehistro
Business Permit and Licensing Section – ipinabatid na hanggang Enero 31 ang extended deadline ng pagpoproseso ng mga application/renewal ng business permit ng walang penalty
Office of the Municipal Agriculturist – ipinabatid ng nasabing tanggapan na magkakaroon ng Department of Agriculture (DA) Caravan sa darating na Biyernes upang magbigay ng assistance sa mga farmers
Mun. Disaster Risk Reduction and Management Office – Binanggit ni Mr. Ron Crisostomo na walang weather disturbances na namamataan malapit sa ating bayan. Nagbigay din ito ng updates kaugnay sa dredging activity na isinasagawa sa Pinaglapatan-Boboin Rivermouth/Sabangan.
Ang ating minamahal na Punong Bayan Filipina Grace R. America ang nagbigay ng pangwakas na pananalita. Kanyang binalikan ang mga naganap na pulong nitong mga nakaraang Linggo tulad ng isinagawang actual inspection ng ilang opisyales mula sa tanggapan ng Municipal Engineer, Municipal Agriculturist Office, at mga kinatawan mula sa QUEZELCO II at IQWD kaugnay ng Crab Hatchery Project sa Brgy. Dinahican, pulong kasama ang DPWH Region IV-A tungkol sa implementasyon ng Phase 1 at 2 ng proyekto ng pagtatayo ng mga dike upang maiwasan ang mga pagbaha dito sa ating munisipalidad, pre-implementation meeting kaugnay ng pagtatayo ng bagong munisipyo, at marami pang iba. Kanya ring personal na pinasalamatan si Pastor Veleso sa kanyang mensahe at ibinahagi nya ang kagalakan na ang pagiging Mauwido na kaugnay ng mensahe ni Pastor Veleso ay kasama sa 10 Katangian ng mga Infantahin.
Ang Flag-Raising Ceremony at Morning Devotion ay dinadaluhan ng mga opisyal, kawani, at Job Order Workers ng LGU, ilang miyembro mula sa Sangguniang Bayan, Philippine National Police at Bureau of Fire-Infanta.
#MabuhayKaInfanta
#ForGReAterInfanta
#LGUInfantainAction

Tags: