GAWAD NG PAGKILALA SA MUNICIPAL PEACE AND ORDER COUNCIL PARA SA TAONG 2019 AT 2021

DISYEMBRE 13, 2022
Ngayong araw ay nasilayan na ng ating Punong Bayan Mayor Filipina Grace R. America ang mga Plaque of Recognition na iginawad sa ating bayan sa nakaraang Joint Regional Awarding Ceremony na ginanap sa Lucena City.

Ginawaran ng Plaque of Recognition ang MPOC ng Infanta, Quezon para sa pagiging isa sa mga Functional sub-national POCs sa ginawang Peace and Order Council Performance Audit para sa taong 2019 at 2021. Ito ay pagkilala sa ipinakitang dedikasyon ng ating bayan upang patuloy at parating makamit ang kapayapaan at pagunlad sa ating komunidad.

Dumalo sa nasabing okasyon si Kon. Anlo Cuento bilang kinatawan ng ating Punong Bayan at si Bb. Maureen Dorneo, Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO).

Nagpapasalamat ang Lokal na Pamahalaan ng Infanta sa pagkilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga programa at proyekto na patuloy na isinasagawa ng ating LGU at ng mga Special Bodies upang tuloy-tuloy n maging produktibo at makapagbigay ng de-kalidad na serbisyo at proteksyon sa ating mga mamamayan.

#MabuhayKaInfanta
#LGUInfantainAction

Tags: