LAYOUT INSPECTION AT STAKING ACTIVITY PARA SA PAGTATAYO NG BAGONG MUNISIPYO NG BAYAN NG INFANTA, QUEZON

ENERO 24, 2023
Bunga ng naging pulong noong nakaraang linggo sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan ng Infanta at ng Department of Public Works and Highways Quezon 1st District Engineering Office kaugnay ng pagsisimula ng konstruksyon para sa Phase 1 ng Bagong Munisipyo ng ating bayan, ngayong araw ay nagsagawa ng ocular inspection at staking activity ang ating Lokal na Pamahalaan kasama ang DPWH at mga contractors.
Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ni Engr. Eduardo P. Espiritu, Municipal Engineer, kasama sila Engr. Maria Jesusa A. Bugayong mula sa Mun. Engineering Office, Engr. Susan M. America at G. Brylle N. Borreo mula sa Municipal Planning and Development Office, at Jimpol Magallanes at Angelica Rabino mula sa Mayor’s Office. Sina Engr. Janelle Portales at Engr. Karen Prohibido naman ang naging representante ng DPWH Quezon 1st DEO, samantala si Engr. Jay Christian Tagle naman ang para sa WJ Construction.
Kasama din sa aktibidad na ito si Architect Richard Martin Renen na nanalo sa kumpetisyon ng pagdidisenyo ng bagong Munisipyo.
Mahalaga ang layout inspection at staking activity na ito upang masiguro na tama ang sukat at lokasyon ng pagtatayuan ng bagong munisipyo sa Government Service Complex sa Brgy. Comon. Bukod pa dito ay nagkaroon narin ng ocular inspection para matukoy ang lokasyon para sa barracks ng mga trabahador maging ang mga pansamantalang pupuwestuhan ng mga equipment na gagamitin ng kontraktor.
Matapos ang aktibidad na ito ay dumiretso kay Punong Bayan Filipina Grace R. America ang grupo upang mag courtesy visit at magbigay narin ng iba pang mga updates at impormasyon batay sa kakatapos na Gawain.
Inaasahan na sa mga susunod na araw ay magtutuloy-tuloy pa ang iba pang mga aktibidad kaugnay ng pagtatayo ng bagong munisipyo. Bagaman at phase by phase ang konstruksyon nito, tinitiyak ng lokal na pamahalaan na hindi ito maantala sapagkat malaki ang magiging kontribusyon ng bagong building na ito sa patuloy na pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo ng LGU sa ating mga kababayan.
#MabuhayKaInfanta
#LGUInfantainAction
#ForGReAterInfanta

Tags: