MAPUA-DOST PROJECT

Ngayong araw ay nag latag ng isang presentasyon ang ilang miyembro mula sa MAPUA sa ating Punong Bayan Filipina Grace R. America.

Inihandong sa nasabing pulong na ito ang Localized Weather, Environment and Hydromet Monotoring System o WEHLO. Isang Weather Impact Monitoring system na magagamit ng Lokal na Pamahalaan pang araw-araw lalo't higit sa panahon ng tag ulan.

Dinaluhan din ito nina MDRRMO Ron Crisostomo,G. Rey Avila-Menro, Engr. Susan America- Municipal Plannig and Development Coordinator, G. Carmelo Francia-Acting Municipal Agriculturist, B. Sierra Peñamante-Tourism Operations Officer II, G. Brylle Borreo-Planning Officer I at B. Hazel Nuque mula sa tanggapan ng Punong Bayan.

Ang Lokal na Pamahalaan ay bukas sa mga makabagong teknolohiya upang makapag bigay ng tama at wastong impormasyon sa ating mga kababayan lalo na tuwing may sakuna.

#MabuhayKaInfanta
#LGUInfantainAction
#ForGReAterInfanta

Tags: