Mga kawani ng BFAR IV-A, Bumisita

Marso 20, 2023

Bumisita sa ating Punong Bayan Filipina Grace R. America sina B. Roselle Lucero-Sub PFO BFAR IV-A at G. Arwin Delos Santos-BFAR IV-A ngayong araw.

Sa maiksing pag pupulong, tinalakay nila ang proyektong Bangus Fry Nursery Project na ipapatayo ngayong taon sa Brgy. Libjo na nagkakahalaga ng 2 Milyong Piso. Tinyak naman ng Lokal na Pamahalaan na ibibgay nila lahat ng kainakailangang suporta upang mas mapabilis ang pagpapatayo ng pasilidad na ito.

Malaki ang pasasalamat ng Lokal na Pamahalaan sa BFAR para proyektong ito na higit na makakatulong sa produksyon ng bangus sa ating bayan.

#MabuhayKaInfanta
#LGUInfantainAction
#ForGReAterInfanta

Tags: