OCCULAR INSPECTION SA CRAB HATCHERY, GINANAP NGAYONG ARAW!

ENERO 18, 2023
Alinsunod sa napag usapan sa pagpupulong kahapon na pinangunahan ni Kon. Cherry Macasaet na tumatayong Officer-in-Charge ng LGU, at ilang kawani ng Lokal na Pamahalaan mula sa Office of the Municipal Agriculturist at Mun. Engineering Office ay binisita ngayong araw ang crab hatchery sa Brgy. Dinahican.
Pinangunahan ang occular inspection ni Engr. Alejo Gonio at ilang kawani mula sa Infanta Quezon Water District (IQWD), G. Odon Oliva at ilang kawani ng Quezon II Electric Cooperative (Quezelco II) at G. Alex Morato ng CDM Enterprise. Ginamitan ng makabagong kagamitan ang inspection na ito upang mas eksaktong masukat ang distansya ng itatayong poste at ilalatag na mga kable at tubo patungo sa pasilidad na ito. Sa tulong ng mga makabagong teknolohiya ay nakapag buo ng istratehiya at plano ang grupo na ipiprisinta sa mga namumuno ng mga tanggapan upang mabigyan agad ng desisyon.
Ang Mangrove Crab Hatchery Project na ito mula sa DOST PICARDD na nagsimula noong unang bahagi ng 2022 at nakatakdang maging operational ngayong 2023 ay naglalayon na higit na mapataas ang produksyon ng alimango sa ating bayan, at lalong mapalago ang industriya pangisdaan tungo sa sustenableng pagkakakitaan ng ating mga kababayan.
#MabuhayKaInfanta
#LGUInfantainAction
#ForGReAterInfanta

Tags: