ORYENTASYON PATUNGKOL SA PANGKABUHAYAN SA PAGBANGON AT GINHAWA (PPG) PROGRAM, ANTI-MONEY LAUNDERING ACT (AMLA) AT SEMINAR SA PAGNENEGOSYO NGAYONG NASA RECOVERY PERIOD, ISINAGAWA NG DTI-QUEZON PARA SA MGA BENEPISYARYONG INFANTAHIN.

Hulyo 20, 2022
Sa pangunguna ng Department of Trade and Industry - Quezon at sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Infanta ay isinagawa ngayong araw ang oryentasyon patungkol sa Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa Program o DTI-PPG ng nasabing ahensya ng gobyerno.
Ang DTI-PPG ay isang livelihood seeding and entrepreneurship development program para sa mga malillit na negosyo o microenterprises na kabilang sa mga prayoridad na komunidad o lugar na lubhang naapektuhan ng mga kalamidad, armed-conflicts, o ng health disaster kagaya ng COVID-19. Layunin ng programangi ito na mabilis na mabigyan ng tulong ang mga maliit na negosyo upang makabangon ang kanilang munting kabuhayan.
Sa pamamagitan ni Ms. Marianne Marie A. Adornado mula sa PPG Program katuwang sila Ms. Norie May Sollano mula sa Negosyo Center - Infanta at Ms. Nanette Tan mula sa Negosyo Center - Gen. Nakar ay ibinahagi sa 30 benepisyaryong Infantahin ang mga alituntunin at mga kinakailangang ihanda upang makakuha ng kaonitong puhunan mula sa DTI upang makapag simula ng maliit na negosyo.
Bukod pa sa nasabing oryentasyon sa PPG ay nagsagawa din ng pagbabahagi ng mga mahahalagang impormasyon kaugnay ng Anti-Money Laundering Act (AMLA) at Doing Business on Recovery Period sa mga dumalo.
Inaasahan ng Lokal na Pamahalaan na malaki ang magiging tulong ng maliit na puhunan na ito para muli ay makabangon sa dagok ng pandemya ang ilan sa ating mga kababayan na napasama sa programang ito. Gayundin naman ay lubos ang pasasalamat ng LGU sa DTI-Quezon sa napakagandang programang na ito.

#MabuhayKaInfanta
#ForGReAterInfanta
#DTIPPGProgram

Tags: