PAGBABAKUNA SA MGA BATANG INFANTAHIN EDAD 5-11, NAGSISIMULA NA
Abril 23, 2022
Kasalukuyan nang ginaganap ang pagbabakuna sa mga kabataang Infantahin na edad 5-11 ngayong araw. Ito ay sa pangunguna ng Provincial Health Office katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Infanta.
Ang mga interesadong magulang na paturukan ang kanilang mga anak ay inaabisuhan na magtungo dito sa Bagsakan Center sa Brgy. Comon.
Mahalagang mabigyan ng bakuna kontra COVID-19 ang mga kabataan upang mabigyan sila ng proteksyon kontra sa virus at maging handa narin sa unti-unting pagbalik ng facetoface mode ng pagpasok sa mga paaralan sa mga susunod na buwan.
Kata na at magpabakuna, dahil #MASMATIGALANGBAKUNADONGINFANTAHIN