PULONG KASAMA ANG LIGA NG MGA BARANGAY, GINANAP!

ENERO 12, 2023
Sa pangunguna ng ating minamahal na Punong Bayan Filipina Grace R. America ay ginanap ang pulong kasama ang mga Hepe ng Tanggapan ng Lokal na Pamahalaan, Punong Barangay, Barangay Secretary at Treasurer sa kanyang home office. Naging punong tagapagdaloy sa programa si Bb. Hazel Nuque mula sa Mayor's Office. Sa nasabing pulong ay nag ulat at nag bigay ng paalala ang mga pinuno ng tanggapan na sina G. Romulo Orozco-Municipal Budget Officer, Bb. Jane Fortunado-Municipal Treasurer, G. Rio Crisostomo-Municipal Accountant, Ron Crisostomo-Muncipal Disaster Risk Reduction and Management Officer, G. Nonato Maza-Agricultural Technologist, Bb. Ann Maureen D. Gumboc-Mun. Local Government Operations Officer, Bb. Melanie Virrey-Municipal Social Welfare and Development Officer, Bb. Armida M. Concepcion-Acting MGDH-HRMO/GAD Focal Point System, Bb. Maris De Lara-Designated Zoning Administrator, at G. John Paul Maglantay-Municipal Nutrition Action Officer.
Sa nasabing pulong ay tinalakay ang mga sumusunod na paksa:
-National Tax Allotment (NTA) Utilization
-Annual Investment Plan (AIP)
-Paghahanda ng Budget ng Barangay
-Pagbibigay ng mga clearances at pag reresibo
-Business Permits
-Mga usapin patungkol sa tamang hakbang sa mga pinapasang mga dokumento
-Mga deadline ng mga voucher
-Subsidy sa mga Barangay
-GAD plan and projects ng mga Barangay
-Tamang mga hakbang patungkol sa pag evacuate at pamamahagi ng relief goods sa ating mga kababayan tuwing may sakuna
-Pag tatayo ng radio antenna sa mga Brgy. Hall para sa mga panahon ng sakuna
-Paalala sa mga training na kailangan kuhain ng mga first responders sa mga Barangay
-tamang pag gamit ng disaster fund
-Pag rerehistro ng mga alagang aso sa Barangay at paalala upang maging responsible pet owners
-Pang huhuli sa mga stray dogs na sanhi ng madalas na aksidente sa kalsada
-Pag iiskedyul ng pagbabakuna ng anti-rabies sa mga alagang hayop
-Usapin sa pag assess sa high value crops
-karapatan ng mga bata at mga ina laban sa pang aabuso
-VAWC
-War on Drugs ng Pamahalaan
-Pag papasa ng SALN ng mga elected officials
-deadline ng mga ipapasang report sa DILG
-listahan ng mga bakunadong elected officials
Sa huli ay nagbigay ng pangwakas na pananalita ang ating Punong Bayan upang itagubilin na ang mga tinalakay ay marapat na sundin upang mas lalo pang gumanda ang serbisyong maibigay sa taong bayan. Ipinaalala din niya sa lahat ng dumalo kaugnay ng sama-samang pagtutulungan upang patuloy na maisakatuparan ang mga programa, proyekto at aktibidad ng LGU para sa pag-unlad ng pamumuhay ng bawat Infantahin.
#MabuhayKaInfanta
#LGUInfantainAction
#ForGReAterInfanta

Tags: