PULONG KAUGNAY NG LOCAL YOUTH DEVELOPMENT OFFICE( LYDO), GINANAP!

ENERO 12, 2023
Sa pangunguna ng ating mahal na Punong Bayan Filipina Grace R. America kasama sina Bb. Melanie Virrey-MSWD Officer, G. Angelo Aquino bilang designated Local Youth Officer at ilang miyembro ng Sangguniang Kabataan (SK) ay nagkaroon ng pag pupulong patungkol sa mga inisyatibo ng LYDO.
Dumalo rin dito ag dating PPSK Bb. Ar Lee Tena kasama ang dating mga SK Chairperson na sina G. Remegio Magallanes III, at Bb. Cecille Perez.
Ang Lokal na Pamahalaan ay naniniwala na malakas pa rin ang boses ng kabataan kung ito ay matutuunan ng pansin at mabibigyan ng mga programa upang mag sulong ng pagbabago sa ating bayan. Ang ating Punong Bayan ay naniniwala rin sa isang sikat na kasabihan na, "Ang Kabataan ay ang Pag-asa ng Inang Bayan".
#MabuhayKaInfanta
#LGUInfantainAction
#ForGReAterInfanta

Tags: