PULONG KAUGNAY NG SUBSURFACE EXPLORATION WORKS NG DPWH IV-A PARA SA FLOOD CONTROL STRUCTURES SA AGOS RIVER

Enero 19, 2023
Ngayong araw ay nagdaos ng pagpupulong ang Lokal na Pamahalaan ng Infanta at ang mga representante mula sa Department of Public Works and Highways Region IV-A na sina Geologist II John Ryan V. Abanes, Engineer II Lucky A. Velasco, G. Albert R. Astejada mula sa DPWH Quezon 1st District Engineering Office at Site Inspector Robert Anthony Pareño ng Anchory Consulting Services kaugnay ng Package VI ng Flood Control Structures Project sa Agos River. Dumalo naman sa bahagi ng Lokal na Pamahalaan ng Infanta, Quezon sina MDRRM Officer Ron Crisostomo, MENRO Reynaldo Avila, Engr. Maria Jesusa Bugayong mula sa Engineering Office, Planning Officer Brylle Borreo mula sa Mun. Planning and Development Office, G. Ryan Sollano bilang kinatawan ng Halig-Punong bayan at Information Officer Jhonna Nova Sol bilang kinatawan ni Punong Bayan Filipina Grace R, America.
Sa nasabing pulong ay pinagusapan ang mga aktibidad na kinakailangan kaugnay ng implementasyon ng Quezon Package VI o ang Phase I at 2 ng Flood Control Structures Project. Ang Package VI na ito ay ang paglalagay ng dike/gabion sa bahagi ng Agos River sa Brgy. Ilog sa ating bayan. Upang matagumpay na masimulan ang proyektong ito ay kinakailangang isagawa ang Sub-Surface Exploration activities upang makuha ang mga mahahalagang datos sa pagbuo ng plano ng nasabing proyekto. Pormal na inindorso ng DPWH IV-A ang Consultant na magsasagawa ng aktibidad na ito.
Sa bahagi ng Lokal na Pamahalaan ay ibinigay ng mga dumalo ang mga mahahalagang impormasyon na kinakailangang ikonsidera ng DPWH sa pagdidisenyo ng flood control structures katulad ng on-going dredging activity ng DPWH-BOE at LGU, maging ang iba pang mga pag-aaral para sa drainage, at iba pa.Tinalakay din dito ang mga susunod na hakbang upang mailatag ang mga areas for collaboration ng LGU at ng DPWH, maging ang mga assistance na kinakailangang maibigay sa Consultants na magsasagawa ng exploration activities. Nakatakda muling magkaroon ng isa pang pagpupulong sa pagitan ng Consultants at ng LGU Agos River Technical Working Group upang ibigay ang iba pang mga detalye kagaya ng pagdating ng mga equipment, paglalagay ng barracks, aktwal na exploration, at iba pa. Nagtungo din ang DPWH at LGU Team sa Brgy. Ilog at nagsagawa ng paunang Site Inspection. Umaasa ang Lokal na Pamahalaan na masimulan agad ang konstruksyon ng flood control dike bago dumating ang panahon ng tag-ulan upang maiwasan ang pag baha sa mga riverine Barangay at Poblacion area.
#MabuhayKaInfanta
#LGUInfantainAction
#ForGReAterInfanta

Tags: