PULONG KAUGNAY SA CIRCUMFERENTIAL ROAD, GINANAP!

ENERO 17, 2023
Ngayong araw ay naganap ang pagpupulong ang Lokal na Pamahalaan kaugnay ng circumferential road na magmumula sa Brgy. Comon at tatagos sa Brgy. Miswa. Ang pulong na ito ay pinangunahan nina Kon. Cherry Macasaet bilang Officer-in-Charge (OIC) ng LGU, MPDC Susan America, MENRO Rey Avila, Municipal Engineer Eduardo Espiritu, Municipal Assessor Rodolfo Morilla Jr., Engineer III Maria Jesusa Bugayong,Planning Officer Brylle Borreo, Private Secretary Hazel R. Nuque, MPDO Staff Roberto De Vera at Punong Barangay Bobby Gonzales ng Miswa.
Nabanggit dito ang mga lupain na madadaanan ng proyektong ito, kaya minarapat ng mga namumuno na lapitan sa 1st Quarter ng taong ito ang mga land owners upang kausapin at itampok ang isang presentasyon na magpapakita ng magiging kahalagahan ng proyektong ito. Isa na dito ang pag decongest ng trapiko papasok sa ating town proper tuwing rush hour.
Umaasa ang Lokal na Pamahalaan na masimulan na ang proyektong ito sa lalong madaling panahon upang mas mapagaan at mapabilis ang byahe ng ating mga kababayan patungo sa kanilang destinasyon. Makakatulong din ito sa ating ekonomiya upang mapabilis ang paghatid ng mga produkto sa mga establisyimento.
#MabuhayKaInfanta
#LGUInfantainAction
#ForGReAterInfanta

Tags: