SELF-EMPLOYMENT ASSISTANCE ORIENTATION

HUNYO 23, 2022
Sa pangunguna ng ating Mahal na Punong Bayan Mayor Filipina Grace R. America katuwang ang Municipal Social Welfare Development ay nagkaroon ng oryentasyon sa 48 benepisyaryong Infantahin kaugnay ng panimulang pamuhunan sa ilalim ng programang Self-Employment Assistance na ipamimigay ng Lokal na Pamahalaan.
Ang mga bibigyan ng tulong pinansyal ay mula sa iba't-ibang Barangay mula sa ating bayan na graduate ng 4Ps at ng Fiberglass Boat Training. Malaking tulong ito bilang panimula sa kanilang hanap buhay lalo sa panahon ng pandemya.
Tuloy-tuloy lamang ang pagsasagawa ng mga proyekto ng LGU sa pangunguna ng ating mahal na Punong Bayan upang masigurado
ang pagsusulong ng kaunlaran sa ating bayan. Gayundin ay upang tiyakin na ang pondo ng pamahalaan ay napupunta sa mga kapaki-pakinabang na mga gawain at proyekto.
#LGUInfantainAction
#ForGReAterInfanta
#MabuhayKaInfanta

Tags: