TURNOVER CEREMONY 2022

Hunyo 30, 2022
Alinsunod sa Memorandum Circular Blg. 2022-029 at 2022-053 mula sa Department of the Interior and Local Government ay isinagawa ang Turnover Ceremony ng Lokal na Pamahalaan ng Infanta, Quezon.
Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ni MLGOO Raya T. Rublico at dinaluhan ng mga incoming local officials na sila Mayor-elect Filipina Grace R. America, Vice Mayor -elect Lord Arnel L. Ruanto, Councilors-elect Cherry Macasaet, Joseller Portales, Sherwin Avellano, Marlon Potes, Mario Louie Cuento, Mannie America, Kirk Gurango at Marlo Cuento at ng iba't -ibang Department, Asst. Department Heads at Section Heads ng Lokal na Pamahalaan.
Ginanap sa nasabing gawain ang pagtuturn-over ng mga mahahalagang dokumento ng Lokal na Pamahalaan sa mga bagong halal na opisyal bilang hudyat ng pagsisimula ng termino ng bagong administrasyon.
Sa huli ay nagbigay ng pananalita si Engr. Vilma B. De Torres, CLuster Head, DILG Quezon Cluster 1.

Tags: