ZUMBA DANCE EXERCISE

Hulyo 7-8, 2022
Bilang pagtalima sa Civil Service Commission (CSC) Memorandum Blg. 8 S. 2011 kung saan ipinapaalala ang pagkakaroon ng Physical Fitness Program na "Great Filipino Workout", ang Lokal na Pamahalaan ng Infanta sa pangunguna ng Human Resource Management Office (HRMO) ay naglunsad ng Zumba Dance Exercise para sa mga kawani at job order workers. Ang aktibidad na ito na humigit-kulumang isang oras ay patuloy na isasagawa tuwing Huwebes at Biyernes sa Infanta Social Center.
Ito ay bahagi ng "HR Physical and Mental Fitness Program" kung saan ay nilalayon na maisulong at mapanatili ang kalusugang pangkatawan at pangkaisipan ng mga empleyado ng LGU.
#MabuhayKaInfanta
#ForGReAterInfanta
#LGUInfantainAction

Tags: