Feb 10, 2026 03:00 PM 91
AUTISM CONSCIOUSNESS RAISING CAMPAIGN
Isinagawa ngayong araw sa Niyogyugan Training Center ang Autism Consciousness Raising Campaign na may temang “Understanding Autism: Building an Inclusive Community,” sa pangunguna ni G. Liezel Pilotin ng Persons With Disability Affairs Office (PDAO).
Katuwang sa aktibidad na ito si Gng. Amanda Madreleno, Project Officer ng Save the Children, sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensya at organisasyon kabilang ang LGU Infanta, PDAO, Save the Children Philippines, at ADG Behavioral Center.
Nagbigay ng mahahalagang kaalaman, karanasan, at pananaw ang mga tagapagsalita na sina Mr. Armando at Mrs. Glycel Moises ng ADG Behavioral Center/ABA Psychological Services, gayundin ang mga magulang ng mga indibidwal na may autism na sina Mrs. Marilyn Hernandez, ina ng isang 14 na taong gulang na batang may autism, at Mr. Ronald Ofilan, Project Officer ng Save the Children Philippines.
Layunin ng adbokasiyang ito na palakasin ang pagtutulungan ng pamahalaan, mga non-government organizations, at ng komunidad upang makabuo ng inklusibo at sustenableng mga programa at serbisyong magpapalawak ng kaalaman at pag-unawa sa Autism Spectrum Disorder (ASD), at magtataguyod ng isang mas makatarungan at makataong komunidad para sa mga batang may autism at kanilang mga pamilya.
Patuloy na isinusulong ng pamahalaan ang mga programang nagbibigay-diin sa pag-unawa, pagtanggap, at pagkakapantay-pantay para sa mga batang may autism at kanilang mga pamilya. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng pamahalaan, mga organisasyon, at ng komunidad, binubuo natin ang isang Infanta na inklusibo, makatao, at may malasakit sa lahat.
Feb 27, 2026 12:24 PM
Feb 27, 2026 10:29 AM
Feb 26, 2026 06:00 PM
Feb 26, 2026 10:20 AM
Feb 25, 2026 02:50 PM
Sep 16, 2024 08:31 PM
Suspendido ang klase mula Kindergarten hanggang Senior High School (Grade 12) at Alternative Learning System (ALS) sa lahat ng pampubliko at pampribadong paaralan sa bayan ng Infanta, Quezon bukas, ika-17 ng Setyembre 2024.
Read MoreJul 01, 2024 05:00 PM
Ngayong araw ay isinagawa ang huling pagsasanay para sa mga participants mula sa iba't ibang ahensya na kabilang sa MDRRM Council.Ang limang araw na pagsasanay ay matagumpay na naibigay nila G. Roy Christopher V. Carpio at G. Cesar Ryan C. Ellaga ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at G. Jessy James R. Valderamos mula sa Tayabas City DRRMO katuwang ang Training Team ng…
Read MoreJun 28, 2024 10:01 PM
Nakibahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Infanta sa pagdaraos ng Southern Tagalog Association of Water Districts (STAWD) General Membership Meeting na pinangunahan ng Infanta Quezon Water District at ginanap dito sa ating bayan ngayong araw.Ang mga delegado mula sa 36 na Water Districts ay malugod na tinanggap sa ating bayan ng ating mahal na Punong Bayan Filipina Grace R. America…
Read MoreFeb 27, 2026 12:24 PM
Feb 27, 2026 10:29 AM
Feb 26, 2026 06:00 PM
Feb 26, 2026 10:20 AM
Feb 25, 2026 02:50 PM