Feb 11, 2026 04:00 PM 118
Opisyal na Pagbisita at Pakikipagpulong ng CSJHP sa Pamahalaang Bayan ng Infanta
Isinagawa ngayong araw ang isang courtesy meeting ng Commission on Human Rights – Center for Social Justice and Humanization Protection (CSJHP) sa Tanggapan ng Punong Bayan. Magalang na nakipagpulong ang kanilang delegasyon kay Vice Mayor Mannie A. America kasama ang ilang miyembro ng Sangguniang Bayan.
Layunin ng pagpupulong ang paghahanda para sa kauna-unahang Multistakeholder Meeting na lalahukan ng mga Indigenous Peoples leaders, mga kinatawan mula sa National Government Agencies, at mga Local Government Units (LGUs). Tatalakayin sa nasabing pagpupulong ang pagpapalakas ng koordinasyon at mas pinaigting na pagsusulong ng karapatang pantao at inklusibong pamamahala sa iba’t ibang sektor ng lipunan.
Dumalo sa courtesy meeting sina Atty. Reinna S. Bermudez, Chief ng CSJHP; Dominick E. Calamba, DMO IV; Jerome Christian A. Fajardo, TO III; at Maryanne A. Abog, TS III ng CSJHP.
Patuloy na ipinapakita ng Pamahalaang Bayan ng Infanta ang suporta nito sa mga programang nagtataguyod ng karapatang pantao, pagkilala at pagprotekta sa mga katutubo, at sama-samang pagkilos ng iba’t ibang sektor tungo sa isang makatao at inklusibong pamayanan.
Infantahin, Kaya Natin!
Feb 27, 2026 12:24 PM
Feb 27, 2026 10:29 AM
Feb 26, 2026 06:00 PM
Feb 26, 2026 10:20 AM
Feb 25, 2026 02:50 PM
Sep 16, 2024 08:31 PM
Suspendido ang klase mula Kindergarten hanggang Senior High School (Grade 12) at Alternative Learning System (ALS) sa lahat ng pampubliko at pampribadong paaralan sa bayan ng Infanta, Quezon bukas, ika-17 ng Setyembre 2024.
Read MoreJul 01, 2024 05:00 PM
Ngayong araw ay isinagawa ang huling pagsasanay para sa mga participants mula sa iba't ibang ahensya na kabilang sa MDRRM Council.Ang limang araw na pagsasanay ay matagumpay na naibigay nila G. Roy Christopher V. Carpio at G. Cesar Ryan C. Ellaga ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at G. Jessy James R. Valderamos mula sa Tayabas City DRRMO katuwang ang Training Team ng…
Read MoreJun 28, 2024 10:01 PM
Nakibahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Infanta sa pagdaraos ng Southern Tagalog Association of Water Districts (STAWD) General Membership Meeting na pinangunahan ng Infanta Quezon Water District at ginanap dito sa ating bayan ngayong araw.Ang mga delegado mula sa 36 na Water Districts ay malugod na tinanggap sa ating bayan ng ating mahal na Punong Bayan Filipina Grace R. America…
Read MoreFeb 27, 2026 12:24 PM
Feb 27, 2026 10:29 AM
Feb 26, 2026 06:00 PM
Feb 26, 2026 10:20 AM
Feb 25, 2026 02:50 PM