Feb 12, 2026 08:30 AM 107
138 Kabataan Sumailalim sa Youth Development Session ng 4Ps
Nagsagawa ng Youth Development Session (YDS) Culmination ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa pangunguna ni Aldrin F. Pulido, Municipal Link, kasama ang mga facilitator na sina Leonard L. Despe, ML-OIC; Liza I. Morilla, OIC, MOO–Infanta; at Shazel P. Solleza, Guidance Officer.
Umabot sa 138 kabataan ang lumahok sa aktibidad, kabilang ang mga mag-aaral mula Grade 7 at Grade 8. Tinalakay sa programa ang kahalagahan ng edukasyon bilang mahalagang susi sa pag-abot ng kanilang mga pangarap at sa paghubog ng kanilang kinabukasan.
Sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), muling ipinaalala sa mga benepisyaryo ang wastong paggamit ng mga cash grants na kanilang natatanggap bilang suporta sa kanilang pag-aaral at personal na pag-unlad.
Patuloy ang Lokal na Pamahalaan, sa pamumuno ni Mayor LA Ruanto, sa pagsuporta sa mga programang naglalayong palakasin ang kakayahan, disiplina, at pangarap ng kabataang Infantahin tungo sa isang mas maunlad at matagumpay na komunidad.
Feb 27, 2026 12:24 PM
Feb 27, 2026 10:29 AM
Feb 26, 2026 06:00 PM
Feb 26, 2026 10:20 AM
Feb 25, 2026 02:50 PM
Sep 16, 2024 08:31 PM
Suspendido ang klase mula Kindergarten hanggang Senior High School (Grade 12) at Alternative Learning System (ALS) sa lahat ng pampubliko at pampribadong paaralan sa bayan ng Infanta, Quezon bukas, ika-17 ng Setyembre 2024.
Read MoreJul 01, 2024 05:00 PM
Ngayong araw ay isinagawa ang huling pagsasanay para sa mga participants mula sa iba't ibang ahensya na kabilang sa MDRRM Council.Ang limang araw na pagsasanay ay matagumpay na naibigay nila G. Roy Christopher V. Carpio at G. Cesar Ryan C. Ellaga ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at G. Jessy James R. Valderamos mula sa Tayabas City DRRMO katuwang ang Training Team ng…
Read MoreJun 28, 2024 10:01 PM
Nakibahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Infanta sa pagdaraos ng Southern Tagalog Association of Water Districts (STAWD) General Membership Meeting na pinangunahan ng Infanta Quezon Water District at ginanap dito sa ating bayan ngayong araw.Ang mga delegado mula sa 36 na Water Districts ay malugod na tinanggap sa ating bayan ng ating mahal na Punong Bayan Filipina Grace R. America…
Read MoreFeb 27, 2026 12:24 PM
Feb 27, 2026 10:29 AM
Feb 26, 2026 06:00 PM
Feb 26, 2026 10:20 AM
Feb 25, 2026 02:50 PM