Jul 01, 2024 10:21 AM
Ginanap ang Flag-Raising Ceremony at Morning Devotion sa Infanta Social Center (Plaza) ngayong araw. Pinangunahan ng Municipal Health Office ang Morning Devotion. Naging tagapagpadaloy si Gng.Romelie P. Unlayao, pinangunahan naman ni Gng.Hermilina Ramirez ang Panunumpa sa Bagong Pilipinas. Samantala nanguna naman sa Panunumpa bilang Lingkod Bayan si Dra.Mary Louise Motas, at ang nagbahagi naman ng Salita ng Diyos ay si Pastor Renato Morada.
PAG-UULAT NG BAWAT TANGGAPAN:
MHO - Iniulat ni Gng. Mirabel P. Gucilatar, ang tungkol sa kaso ng dengue sa ating bayan kung saan nabanggit niya na nakapagtala ng 13 kaso ang ating bayan. Dahil dito pinaalalahanan ang bawat isa para sa kampanyang 5S kontra dengue. Nabanggit din niya ang pagbibigay ng Vaccines na Anti-Polio para sa mga mamamayan.
MNAO - Iniulat naman ni G. John Paul Maglantay ang tungkol sa naganap na Local Nutrition Planning noong Hunyo 24-26, 2024. Nagpasalamat din siya sa lahat ng tanggapan na sumuporta sa mga Programa at aktibidad ng MNAO. Iniulat din niya ang natamo nating First Green banner na ibinigay ng Seal of Good Local Governance, kaugnay pa nito na kabilang ang Bayan ng Infanta na nakapasa sa Regional level bilang tanggapan ng MNAO, at siya bilang Top 3 na Municipal Nutrition Action Officer. Ipinaalala din ni G. John Paul na ngayong buwan ng Hulyo ay “Nutrition Month†at bahagi ng kanilang PPAN o Philippine Plan Action for Nutrition ay magkakaroon ng Nutrition Caravan.
Sa bahagi naman ng Fisheries section ay naging accomplishments ng tanggapan ang pag-turn over ng 3 bangka sa Langgas Fisherman and Farmers Association (LANFASS) INC. Dagdag pa rito ay ang Solar Salt Facility sa Binonoan kung saan magiging malaking tulong ito kapag naayos na at naihanda ang paggawa ng asin na may kasamang Iodine.
MDRRMO - Iniulat naman ni Gng. Merika May Miras ang ginanap na Basic Life Support noong Hunyo 26-30 kaugnay sa National Disaster Resilience Month. Sa naganap na training ay mayroong kabuuang 26 na kalahok, kasama rin ang mga lisensyadong opisyal mula sa tanggapan. Nag-ulat din si Gng.Blesilda Ruanto ukol sa layunin ng naganap na training, ito ay upang mabigyan ng kasanayan, mahalaga rin na may isang marunong sa Basic Life Support, dapat ay may isa kada household din na marunong sa larangang ito.
ASSESSOR - Ibinahagi ni G. Rodolfo T. Morilla Jr., bilang Designated MENRO, ang dinaluhan nilang patawag na pulong kaugnay ng usapin ukol sa National Project ng MWSS-Kaliwa Dam bilang ang ating bayan ay inatasan na maging miyembro ng Multipartite Monitoring Team o MMT. Pinag-usapan ang mga magiging trabaho at kung anong papel ang gagawin ng MMT. Dagdag pa niya ay nagbigay ng update sa nasabing pulong kaugnay ng development ng proyekto at aniya ang projection o tinatayang operasyon daw ng nasabing Dam ay sa taong 2027. Sa huli ay ibinalita na ang Sangguniang Panlalawigan ay katulong na rin ng Bayan ng Infanta hinggil sa pagtutol kontra sa pagtatayo ng Kaliwa Dam
GSO - Nagbahagi naman si G.Primitivo Satumba ng kanyang pasasalamat sa Punong Bayan Filipina Grace R. America at sa HR Department Head na si Gng.Armida M. Concepcion sa patuloy na paglilinang ng kaalaman sa kagaya niya at sa mga kasamahan sa LGU. Ibinahagi niya sa dinaluhang 16th GSO Convention sa buong Pilipinas, isinaad niya na napakalaki ng function ng GSO at mahalaga ang paglilinang ng Regulation ng Government Expenditures. Nabanggit din niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Records Room o Center ng LGU upang maayos ang mga dokumento at records ng mga tanggapan.
SB - Sa pangunguna ni Kon. Anlo Cuento ay ginanap naman ang pagbibigay ng pagkilala kay John Andre Buerano, kabataang Infantahin na na lumaban sa National Competition sa Dolores, Eastern Samar sa larangan ng Martial Arts. Nagtamo siya ng Gold Medal sa nasabing kumpetisyon. Inanunsyo rin na ang batang ito ay lalaban sa International Competition na gaganapin sa Jiangjin, China. Sa nasabing kompetisyon ay humihingi ang ama at anak nito na si Andre ng suporta.
Sa panghuling mensahe kung saan pinangunahan ito ni Kons.Marlo Cuento bilang representante ng Punong Bayan Filipina Grace R. America ay iniulat niya ang mga kaganapan ng nagdaang linggo, isa na rito ay ang Local Nutrition Meeting, Milk Feeding Breast Feed sa tulong ng MSWD, Kasalang Bayan sa Sitio, Querosep, sa Barangay Magsaysay, Infanta, Quezon, Life Standard Training , Simultaneous Earthquake Drill kasama rin dito ang mga Barangay, ang ginanap na Southern Tagalog Association of Water Districts (STAWD) sa Fiesta Infanta. Binati naman ng Konsehal ang lahat na mas maging masipag, mas maging masikap, at mas maging malusog.
Ang Flag-Raising Ceremony at Morning Devotion ay dinaluhan ng mga opisyal,kawani at Job Order Workers ng LGU, Sangguniang Bayan, Bureau of Fire Protection – Infanta at Philippine National Police.
Nov 25, 2024 06:07 PM
Nov 25, 2024 05:10 PM
Nov 25, 2024 10:05 AM
Nov 21, 2024 02:04 PM
Nov 21, 2024 12:00 AM
Jul 01, 2024 05:00 PM
Ngayong araw ay isinagawa ang huling pagsasanay para sa mga participants mula sa iba't ibang ahensya na kabilang sa MDRRM Council.Ang limang araw na pagsasanay ay matagumpay na naibigay nila G. Roy Christopher V. Carpio at G. Cesar Ryan C. Ellaga ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at G. Jessy James R. Valderamos mula sa Tayabas City DRRMO katuwang ang Training Team ng…
Read MoreSep 16, 2024 08:31 PM
Suspendido ang klase mula Kindergarten hanggang Senior High School (Grade 12) at Alternative Learning System (ALS) sa lahat ng pampubliko at pampribadong paaralan sa bayan ng Infanta, Quezon bukas, ika-17 ng Setyembre 2024.
Read MoreJun 28, 2024 10:01 PM
Nakibahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Infanta sa pagdaraos ng Southern Tagalog Association of Water Districts (STAWD) General Membership Meeting na pinangunahan ng Infanta Quezon Water District at ginanap dito sa ating bayan ngayong araw.Ang mga delegado mula sa 36 na Water Districts ay malugod na tinanggap sa ating bayan ng ating mahal na Punong Bayan Filipina Grace R. America…
Read MoreNov 25, 2024 06:07 PM
Nov 25, 2024 05:10 PM
Nov 25, 2024 10:05 AM
Nov 21, 2024 02:04 PM
Nov 21, 2024 12:00 AM