SANGGUNIANG BARANGAY NG AMOLONGIN, BUMISITA

PEBRERO 1, 2023
Ngayong araw ay bumisita si Kap. Narciso Mortiz kasama ang ilang miyembro ng Sanguniang Barangay ng Amolongin sa ating Punong Bayan Mayor Filipina Grace R. America.

Sa nasabing pulong, inihandog ng lapian ang isang resolusyon ng pasasalamat sa ating Punong Bayan sa walang sawang pag tulong sa kanilang nasasakupan.

Ang Lokal na Pamahalaan ay nagpapasalamat at kinikilala ang mga Punong Barangay at mga miyembro ng Sanggunian sa kanilang pag tulong upang mapaunlad at mailapit sa taong bayan ang serbisyo.

Read More
Infanta Quezon First 1000 days of Life (iQ1k) Coordinators

PEBRERO 1, 2023
Bumisita sa ating Punong Bayan Filipina Grace R. America ang 10 bagong coordinators ng Infanta, Quezon First 1000 days of Life (iQ1k) sa pangunguna ni B. Amelou Dela Cruz at B. Theresa Mae Portillo.

Ang Q1K ay isang programa ng probinsya ng Quezon na inadopt ng ating bayan upang matulungan ng husto ang ating mga kababayang buntis na nilalayon na pangalagaan ang mga sanggol mula sa unang tanda ng pagbubuntis hanggang sa ika-1000 araw o 2 taong gulang. sa tulong ng mga bagong coordinators ay mas lalo pa mapapalawig ng Lokal na Pamahalaan ang serbisyong ito.

Read More
PULONG KAUGNAY SA REGRAVELLING

PEBRERO 1, 2023
Pinangunahan ngayong araw ni Punong Bayan Filipina Grace R. America ang pulong kaugnay ng regravelling ng mga kalsada sa mga barangay dito sa ating bayan.
Dumalo rin dito ang ilang mga kawani mula sa ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Engr. Eduardo Espiritu-Municipal Engineer, Engr. Maria Jesusa Bugayong-Enginer III, Engr. Susan America-Municipal Plannig and Development Coordinator, G. Rey Avila-MENRO, G. Brylle Borreo-Planning Officer I at B. Hazel Nuque mula sa tanggapan ng Punong Bayan.

Read More
PAMAMAHAGI NG MGA KAGAMITAN SA ATING MGA KABABAYANG PWD

ENERO 31, 2023

Ngayong araw ay pinangunahan ng ating Punog Bayan Filipina Grace R. America at ilang miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Kon. Marlon Potes, Kon. Cherry Macasaet, at Kon. Anlo Cuento ang pamamahagi ng mga kagamitang pang agapay sa ating mga kababayan sa kanyang home office.

Read More
COURTESY CALL OF 4th Platoon, 1st QPMFC (Quezon Provincial Mobile Force Company)

JANUARY 31, 2023

PLT Edwin Ignacio together with fellow officers paid a Courtesy Visit with Mayor Filipina Grace R. America today at her Home Office.

The Local Chief Executive welcomed and signified her support to PLT Ignacio and his initiatives to make REINA area a peaceful and drug-free community.

#MabuhayKaInfanta
#LGUInfantainAction
#ForGReAterInfanta

Read More
PULONG SA PAGITAN NG LOKAL NA PAMAHALAAN AT MGA PUNONG BARANGAY, SK, AT HEPE NG TANOD, GINANAP

ENERO 30, 2023

Pinangasiwaan ngayong araw ng ating Punong Filipina Grace R. America ang pulong sa pagitan ng mga Punong Barangay, SK Chairpersons at hepe ng mga tanod sa kanyang home office.

Read More

Pages